^

PSN Showbiz

Marjorie hinihintay kung tutularan ang pag amin ni Gretchen!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Marjorie hinihintay kung tutularan ang pag amin ni Gretchen!

Vice hindi sinipot ang award ni Mang Dolphy

SEEN: May mga humanga kay Gretchen Barretto dahil sa pag-amin nito na “kabit” siya ng businessman na si Tonyboy Cojuangco at 23-years na ang relasyon nila. May mga nag-aabang kung magiging inspirasyon ni Marjorie Barretto si Gretchen at magiging brutally honest din siya tulad ng kapatid niya.

SCENE: Ang tweet ni Jake Ejercito na “This is for kids born out of wedlock who’re being pushed around just cus of it. Being an illegitimate child is neither a fault nor sin. It also doesn’t make you of lesser value in society than a legitimate one. We’ve got a place in this world. Let’s make the most out of it.”

Naungkat ang pagiging illegitimate son ni Jake dahil sa kanyang statement na Mocha Uson is Garbage” na hindi ikinatuwa ng ha­ters niya.

SEEN: Hindi kasalanan na maging illegitimate child pero kasalanan na maghusga ng kapwa dahil tiyak na babalik sa’yo ang masasakit na salita na dapat isapuso at isaisip ni Jake Ejercito. ‘Don’t do unto others what you don’t want done unto you.’

SEEN: Best Actor ng 66th FAMAS si Allen Dizon (Bomba), Best Actress si Agot Isidro (Changing Partners) at Best Supporting Actress si Odette Khan (Bar Boys) at si Mon Confiado ang Best Supporting Actor para sa pelikulang Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko.

SCENE: Gabi ng mga underdog ang 66th FAMAS dahil mga hindi “superstar” sa movie industry ang kategorya ng mga nagwagi. Best Director si Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy) at Best Picture ang Balangiga: Howling Wilderness. Marami ang hindi nakapanood sa Balangiga: How­ling Wilderness at stranger si Barbarona sa Pinoy moviegoers.

SEEN: Ang kapatid at ina ni Vice Ganda ang tumanggap ng award na ipinagkaloob sa kanya, ang controversial Comedy King Dolphy Memorial Award dahil no-show ang television host/comedian sa 66th FAMAS.

SCENE: Personal na tinanggap ni Coco Martin ang Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievement Award na buong-puso na ibinigay sa kanya ng pamilya ng King of Philippine Movies. Hindi man sila nagkasama sa pelikula, si Coco ang nagbibida sa movie at television remake ng mga pelikula ng sumakabilang-buhay na action superstar at may basbas ito ni Susan Roces, ang may-bahay ni Fernando Poe, Jr.

MARJORIE BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with