Resulta ng winners sa famas, nagkalituhan!
PIK: Sa San Benito The Farm pala nagpapa-destress si Cong. Alfred Vargas lalo na’t sunud-sunod ang taping sa Kambal Karibal at ang dami pa niyang inaasikaso bilang Congressman sa district 5 ng Quezon City.
Nakasabay namin siya nung nakaraang weekend dahil kailangan daw niyang magtanggal ng sobrang stress.
Napag-usapan namin doon ang balak ng mga kaibigan niyang original Sang’gre ng Encantadia na magpu-produce ng pelikula.
Nag-text nga raw si direk Mark Reyes sa kanya na nagtanong kung gusto nitong sumama sa kanila nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle.
“I’m very excited for the Sang’gres kasi clamor na ng mga tao yan eh,” pakli ni Alfred.
“Kung mabigyan ako ng chance na makasama sila, I’ll definitely join them, Not just because it’s a project but more on dahil kaibigan ko sila at excited ako na makasama ang apat na magagaling na artista ngayon,” dagdag na pahayag ng actor/politician.
PAK: Maganda ang choice of winners ng FAMAS na ipinamahagi nung nakaraang Linggo.
Si Agot Isidro na bida sa Changing Partners ang nagwaging Best Actress at si Allen Dizon ng pelikulang Bomba ang napiling Best Actor.
May mga booboos lang sa awarding na kung saan maling envelope ang naiabot kina Julian Trono at Ella Cruz, kaya maling winners ang nabasa nila.
Dapat ay Best Sound Engineering ang tatawagin nilang winner, ang natawag pala nila ay ang winner sa Best Visual Effects na susunod sanang ia-award.
Nakakalimutan pa ng ilang presentors na basahin ang paliwanag kung bakit iyun ang napiling winners. Nagkagulo pa raw sa stage nang i-assemble na ang mga winners bago i-announce ang Best Picture na napanalunan ng isang indie film na Balangiga: Howling Wilderness.
Matindi ang grupo ng jury na pinangunahan ni Ricky Lee.
Dumalo pala si Coco Martin para tanggapin ang FPJ Memorial Award, pero hindi si Susan Roces ang nag-present kundi ang kapatid ng Da King na si Elizabeth Poe.
Sayang, dahil nung nakaraang MMFF, okay na sana si Susan na magbigay ng FPJ Award din kay Coco, pero hindi ito sinipot ng Kapamilya actor kaya hindi na lang dumalo si Manang Inday.
Hindi rin dumalo si Vice Ganda, kundi ang ina at ang kapatid lang niya ang tumanggap ng Dolphy Memorial Award.
BOOM: Si Allen Dizon ang pinakamasaya sa nakaraang FAMAS dahil pang-apat na Best Actor award na niya pala iyun mula sa naturang award-giving body.
Kung susundin ang dating patakaran ng FAMAS, ma-elevate ka sa Hall of Fame pagkatapos ng limang awards.
Kaya isa na lang, magiging Hall of Famer na si Allen sa Best Actor category.
Marami pang magagandang pelikula si Allen kagaya ng Maguindanaw na pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos, ang Latay at Right to Kill ni direk Brillante Mendoza. Posibleng magwagi siya roon sa FAMAS, at makaka-level na niya sa mga Hall of Famers na sina FPJ, Mayor Joseph Estrada, Eddie Garcia, Vilma Santos at Nora Aunor?
Tanggap kaya iyun ng ilang hindi pa rin bilib sa magaling na indie actor?
- Latest