Alfred nagde-detox!

Alfred at Yasmine

Na-surprise ako nang magpunta ako sa The Farm noong Sabado dahil hindi ko ine-expect na magkikita kami doon ni Alfred Vargas na sobrang stressed kaya kailangan niya na mag-relax.

Pagkatapos ng taping niya para sa Kambal Karibal noong Biyernes, dumiretso na si Alfred sa The Farm para sa kanyang much needed detoxification.

Ngayon ang balik niya sa Quezon City pero didiretso na siya sa taping ng Kambal Karibal na extended ang airing hanggang sa August 2018.

Kinumpirma ni Alfred na si Sunshine Dizon ang bagong cast member ng top rating primetime teleserye ng GMA 7.

Sa pagkakaalam ko, nag-taping na si Sunshine ng mga eksena niya para sa Kambal Karibal kaya confirmed ang impormasyon na natanggap ko na kasali na rin siya sa number one primetime teleserye ng Kapuso Network.

Yasmine effective na endorser  ng pampaputi

Kahapon kami nag-check out sa The Farm ng mga kasama ko kaya sumabay sa amin si Alfred sa breakfast dahil ito lang ang libreng oras na puwede kaming magkuwentuhan.

Inamin ni Alfred na medyo nadagdagan ang timbang niya at epekto ito ng dalawang linggo na Disney cruise nila sa USA ng pamilya niya.

Ang kanyang misis na si Yasmine at ang dalawang anak nila ang kasama ni Alfred sa Disney cruise. Masaya si Alfred dahil nag-enjoy ang kanyang asawa at mga anak sa bonding moment nila sa Caribbean.

Si Yasmine ang endorser ng Kamiseta Skin Clinic na pag-aari ng aking mga BFF na sina Gunn at Cris Roque.

Happy na ibinalita ni Alfred na effective endorser ng Kamiseta ang misis niya at pruweba ang mga positive feedback na natatanggap nila.

Nang dumaan kami kahapon sa EDSA, nakita ko sa Guadalupe bridge area ang giant billboard ni Yasmine para sa Kamiseta Skin Clinic. May reason nga si Alfred na maging proud dahil ang ganda-ganda ng misis niya sa billboard na na-sight ko.

Show comments