Mag-asawa babalik sa nakaraan

Son Ho-jun at Jang Na-ra

MANILA, Philippines — Paano kung makakabalik ka to where it all began? Pipiliin mo pa bang mahalin ang asawa mong gusto mo ng hiwalayan?

Tunghayan ang nakakakilig at nakakaantig na kwento ng pag-ibig sa pinakabagong Asianovela ng ABS-CBN na Go Back Couple simula ngayong Lunes.

Pagbibidahan nina Son Ho-jun at Jang Na-ra ang mag-asawang may matinding pinagdaraanan sa kanilang pagsasama.

Sa araw-araw ng kanilang buhay, naghahabol sa kliyente sa umaga si Randy Choi (Ho-jun) bilang isang pharmaceutical salesman, habang nawalan na ng pag-asa bilang isang maybahay ang kanyang asawa na si Jodi Choi (Na-ra), na siyang nag-aalaga sa kanilang anak na si Gavin.

Isang araw ay babalik sina Randy at Jodi sa panahon kung saan sila ay nasa kanilang 20s at magkakakilala pa lang sa kolehiyo, sa pamamagitan ng kanilang mga wedding ring na meron palang mahika pagkatapos nilang magdesisyon na kumuha ng diborsyo. Oras na mapagtanto nila na nag-time travel sila dala ang kamalayan ng kanilang pangkasalukuyang katauhan, agad nilang susubuking baguhin ang kanilang buhay na iiwasang ma-in love uli.Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagtitinginan? Mapapatawad pa ba nila ang isa’t isa?

Show comments