Sa June 30 na magaganap ang pag-iisang dibdib nina Dessa at Peter Joseph Accurso sa Las Vegas. Ayon sa singer ay wala na siyang mahihiling pa sa loob ng dalawang taon na karelasyon niya ang binata. “As in I cannot ask for more. Hindi ko alam kung ano ang feeling pero masarap ang feeling, masaya, sobrang saya. This is unexplainable because I cannot explain it. ‘Yung sobrang overwhelmed ako sa nararamdaman ko. So ang sarap lang ng pakiramdam,” bungad ni Dessa.
May dalawang na anak ang singer at suportado umano ng dating asawa ang muling pagpapakasal ni Dessa. “Hindi ko kasi plinano ito, basta dumating lang. Kapag ganito ang nararamdaman ko, go na. Wala nang patumpik-tumpik para maka-move on na ako sa previous, sa dating relationship. So hindi naman masama na maging masaya ulit,” giit ni Dessa.
Sa Las Vegas din nag-propose ng kasal ang nobyo noong isang taon at hindi raw palaging suot ng singer ang kanyang engagement ring ngayon. “Sinusuot ko lang kapag may kasama ako. Kapag pumupunta ako ng Divisoria, di ko ‘yan sinusuot. Binigay niya sa ‘kin last year, sa roof top ng isang hotel sa Las Vegas kasi doon kami nag-New Year,” natatawang pahayag ng singer.
Pagkatapos magpakasal ay agad na babalik sa Pilipinas si Dessa sa July 2 para sa ilang showbiz commitments.
Regine ginagaya si J-Lo
Hindi halos makapaniwala si Regine Tolentino na nagkaroon siya ng sariling album pagkalipas ng mahigit dalawang dekada sa show business. Kamakailan ay inilabas na ang Moving to the Music album ng aktres mula sa Viva Records. “Before hindi talaga ako kumakanta kahit sa karaoke, kahit sa kotse, nahihiya ako. And then ngayon, parang na-appreciate ko na ‘yung pagkanta kasi nag-voice lessons na ako. Natutunan ko na how to engage my core and use my diaphragm and to project my voice. Siyempre my voice is not very much developed. I’m still working on it everyday pero ngayon hindi na ako takot,” kwento ni Regine.
Masayang-masaya ang aktres dahil bukod sa pag-arte at pagsasayaw ay nakakakanta na rin siya ngayon. “It’s been an amazing journey. Ngayon na na-discover ko na kaya ko palang kumanta, pwede na akong maging J-Lo (Jennifer Lopez), ‘yung sing and dance pero siyempre hindi naman ako aabot sa gano’ng level,” natatawang pahayag ng aktres.
Ayon kay Regine ay talagang noon pa niya iniidolo si Jennifer Lopez. “Siya ‘yung cover photo ko sa cellphone. Gusto ko siyang gayahin sa galing niya sa business, sa itsura niya, sa pagbihis niya, sa pag-perform niya. Idol ko siya in every way. Kaya ‘pag sinasabing parang J-Lo ako, ‘Oh my God, talaga?’ How I wish talaga na maging J-Lo talaga ako. I work out kasi masipag din siyang mag-workout, make-up ‘yung fitness and beauty regimen niya, ‘yung pag-perform niya sa stage very powerful siya,” pagbabahagi ni Regine.