Pinasikat si Mocha, Kris wala sa hitsura ang inapi
SEEN: Ang opinyon ng fans and supporters ni Kris Aquino na hindi na dapat nito pinatulan si Mocha Uson dahil pinasikat niya uli ang kontrobersyal na assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.
SCENE: Ang mga komento na always playing the victim card si Kris Aquino na mahirap paniwalaan dahil hindi ang tipo niya ang puwedeng apihin at basta na lamang magpaapi.
SEEN: Hinihintay ng supporters ni Kris kung papatulan ng TV Patrol o ng ibang mga news program ang isyu tungkol sa kanila ni Mocha Uson dahil kasabay ng pagkawala ng aktres sa Kapamilya Network ang hindi paglalabas ng ABS-CBN News ng mga balita na may kinalaman siya.
SCENE: Ipinamalas ni Ynez Veneracion ang husay sa comedy nang itinanggi niya ang paratang ng businesswoman na si Kathelyn Dupaya na laos na siya dahil napapanood pa siya sa mga programa ng ABS-CBN gaya ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.
SEEN: Ang reaksyon ni Dingdong Dantes sa pagkukumpara sa mga married actor na nakikipaghalikan sa leading ladies nila sa pelikula at sa halik ni Presidente Rodrigo Duterte sa isang Pilipina sa South Korea.
“As actors, we are accountable to our viewers, our producers and the manner of delivering the story. Aba’y ibang usapan yan kapag public official ka. Kaya’t huwag dapat ihambing gamit ang ganiyang argumento.”
SCENE: Sa apat na bida ng Walwal, si Kiko Estrada ang may angas pero minana niya ang mahusay na PR ng kanyang tatay na si Gary Estrada.
SEEN: Si Cheska Diaz ang gumanap na nanay ni Kiko Estrada sa Walwal. Mag-ina sa tunay na buhay sina Cheska at Kiko.
SCENE: Inulit ng direktor na si Joey Reyes sa presscon ng Walwal na updated version ito ng Pare Ko. Twenty four years old na ang Pare Ko, ang pelikula na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa at Jomari Yllana noong 1994. Ang Star Cinema ang producer ng Pare Ko samantalang co-production venture ng Star Cinema at Regal Entertainment Inc. ang Walwal.
- Latest