Maigsi lang ang blind item na ito pero nakakaloka. Nagkita sa isang mataong lugar ang isang pamosong female personality at ang isang kilalang male singer.
Magkakilala sila, pero hindi naman sila close, kaya nagbeso-beso sila. Ganu’n naman talaga sa mundo ng showbiz, kahit hindi masyadong malapit sa isa’t isa ang mga artista, natural na lang ang pagbebeso-beso.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng palayo na ang male singer, e, parang hinahawakan niya ang kanang pisngi niya. Parang meron siyang sinasalat na masakit. Bakit kaya?
“Sabi nu’ng male singer sa PA niya, ang tigas-tigas daw kasi ng face ng girl, para siyang natusok nu’ng magbeso sila. ‘Yun pala ang reason kung bakit niya hinihipo ang right cheek niya.
“Matigas nga siguro ang face ng female personality dahil napakapayat na niya, halos wala nang laman ang face niya, parang balat na lang ang nagdudugtong sa mga buto niya!
“Kasi naman, ang ganda-gandang babae, pero kung anu-ano pa ang ipinagagawa sa mukha niya, kaya ayan tuloy, nagmumukha nang deadly weapon ang face niya sa sobrang tigas! Sobrang payat na niya!” kuwento ng aming source.
Ubos!