Matapos maaksidente sa motor, Mr. International nagkaroon ng amnesia
Model/actor nawalan ng endorsement sa vidjakol!
PIK: Malamang mangangayayat si Alden Richards sa matinding training na ginagawa niya para sa bagong serye niyang Victor Magtanggol.
Puspusan na ngayon ang training niya ng Parkour para sa mga action scenes niya sa Victor Magtanggol.
Kakaibang move ang Parkour na nagsimula sa France.
Ayon sa Wikepedia; ang layunin ng disiplina nitong Parkour ay turuan ang nakikilahok na kumilos sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pagbiling (o vaulting), paggulong, pagtakbo, pag-akyat, at pagtalon.
Napapanood ko nga minsan ang American Ninja Warrior at tipong ganun ang gagawin ni Alden sa mga maaksyong eksena sa bago niyang serye.
Kasama rin ni Alden sa training ang bagong Kapusong si John Estrada na kaagad silang nagkapalagayan nang loob.
PAK: Nawalan ng endorsement ang model/actor dahil sa kumalat na sex video scandal na kinasangkutan nito.
Naiyak na lang si model/actor dahil wala na siyang magagawa. Hindi na nakontrol ang pagkalat ng vidjakol niya na kuha pa nung wala pa siya sa showbiz ilang taon nang nakaraan.
Pinapatibay na lang ni model/actor ang sarili. Alam niyang malalagpasan niya ito sa suporta ng magulang, manager at malalapit na kaibigan.
Bukod pa riyan, hindi nakakahiya ang ipinakita ni model/actor. Lalo siyang pinagnasaan dahil sa kadakilaang ipinakita niya sa video na iyun.
BOOM: Ngayong araw ay iri-release na raw ng hospital ang Mr. International na si Neil Perez pagkatapos niyang maaksidente sa motor na sinasakyan habang papauwi ito sa Tondo.
Nangyari ang aksidente nung Biyernes, June 1 ng madaling araw sa may Delpan, Tondo.
Ayon sa kuwento ng manager niyang si Jonas Gaffud, nawalan daw ng malay si Neil pagkatapos sumemplang ang motor na dala nito.
Mabuti na lang daw at may tatlong batang sumaklolo, hinarang daw ang truck na paparating, dahil kung hindi, baka nasagasaan pa ito.
Nadala raw si Neil sa bahay niya, pero nagkaroon daw ito ng temporary amnesia. Hindi raw niya alam kung ano ang nangyari.
Inilipat daw ito ng Metropolitan Medical Center dahil walang CT scan sa unang hospital na pinagdalhan.
Mabuti at wala raw internal bleeding dahil naka-helmet naman siya. Nagkaroon lang daw ng konting fracture sa mukha, pero hindi naman daw kailangang operahan pa.
Dagdag na text sa amin ni Jonas; “Okay na okay na siya now. Nakakausap na namin, Minsan paulit-ulit lang pero okay na siya.”
- Latest