^

PSN Showbiz

Louise ginahasa ng ama!

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Louise ginahasa ng ama!
Louise

MANILA, Philippines — Bibida si Louise de los Reyes bilang isang dalagang ginahasa ng ama at kakalabanin ang buong pamilya na mas piniling kampihan ang mapagsamantalang padre de pamilya ngayong Sabado (Hunyo 2) sa unang handog ng Ipaglaban Mo para sa ika-apat na taong pagdiriwang nito.

 Dalaga na si Tanya (Louise) nang bumalik ang kanyang amang si Ryan (Rommel Padilla) na nagkaproblema sa trabaho nito sa ibang bansa. Sa pagbalik nito sa buhay ng kanilang pamilya, labis ang pagiging istrikto nito kay Tanya lalo na nang malamang may nagtatangka nang manligaw sa babae. Madalas, nauuwi pa ito sa pananakit sa kanya ng ama.

Para maiwasan ang galit ng ama, pinili na lamang ng dalaga umiwas sa mga lalaki. Ngunit mas malaking kalbaryo pala ang haharapin ni Tanya nang isang araw ay pinasok siya ng ama sa kanyang kwarto at ginahasa.

Agad naman niya itong idinulog sa nanay at mga kapatid na babae, ngunit mas pinili ng mga itong manahimik at ipagsawalang bahala ang nangyari.

Paano kaya itinuloy ni Tanya ang pagpapakulong sa ama? Hanggang kailan kaya kakampi ang ina at kapatid sa tatay na may sala?

Bukod sa ika-apat na anibersayo ng  Ipaglaban Mo sa ABS-CBN, ipinagdiriwang din ng programa ang ika-30 taon nito bilang longest running legal drama sa PH TV.

Sen. Manny may pa-money at bahay

Ngayong Linggo (June 3) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), kilalanin ang sorbeterong nakatanggap ng sorpresa mula mismo sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Kahit pa na-stroke, tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang sorbe­tero na si Mang Lino. At hindi niya akalain na para siyang naka-jackpot knockout matapos mabentahan kamakailan ng sorbetes si Senator Manny Pacquiao. Si Ninong Manny kasi, naantig sa istorya ni Mang Lino. Kaya si Mamang Sorbetero hindi lang binigyan ni Manny ng money, pati na rin ng bahay at lupa!

Makadurog-puso naman ang mga eksena nang nagnega­tibo ang DNA results sa pagitan ni Ryan Mendoza at nang inakala niyang ama na si Dominador. Nagtapos ang episode noong Linggo na wala pa ring linaw kung sino at nasaan ang tunay niyang ina. Pero nito lang Martes, lumutang ang isang pamilya mula Cabanatuan na nagsasabing kamag-anak nila ang tunay raw na ina ni Ryan na si Ma­ritess. Isa na kaya talaga sa kanila ang tunay na ina ni Ryan?

 Abangan din ang kuwento sa palayan sa Tanda­ngan, South Cotabato kung saan meron daw mga elemento na may binabantayang yaman. Sa liblib na bayan naman ng Sulop sa Davao, habang nanghuhuli ng alimango ang mangingisdang si Ian, may na­tagpuan siyang palutang-lutang na cellphone! Mabuti na lang at hindi pa ito nababasa dahil naka-water­proof casing ito. Pero imbes na pagkainteresan ito ni Ian, iniwan niya ang kanilang bayan para sumabak sa isang natatanging adventure upang ha­napin at maibalik sa may-ari ang napulot niyang cellphone!

At kilalanin ang dalawang taong gulang na si Ka­disse, na viral ngayon matapos mistulang sinesermunan ang lasing na ama.

Nasa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Ling­go pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA-7.                      

IPAGLABAN MO

LOUISE DE LOS REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with