^

PSN Showbiz

Direktor ng pinupuring pelikula nagtago sa cabinet, natakot sa mga hapon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Praning na

May hindi makakalimutang kuwento ang mga miyembro ng produksiyon na gumawa ng isang pelikulang umani ng tagumpay mula sa mga kritiko. Hindi lang dito, maging sa ibang bansa ay nagtanim ng marka ang pelikulang pinalakpakan-sinaluduhan ng manonood, itinuturing itong isang obra.

Isang gabi ay hindi makagalaw ang buong produksiyon. Mahalaga ang mga eksenang kukunan. Pero walang masimulan ang produksiyon dahil nawawala ang kanilang direktor.

Inikutan na nila ang malaking bakuran, sinilip na nila ang lahat ng mga kuwarto sa pinagsusyu­tingan nilang malaki at lumang bahay, pero walang nakakita kay direk.

Isang matapang na production staff ang umikot uli sa lumang bahay, dala-dala ang malaking flashlight ay may narinig itong mga kaluskos mula sa isang panig ng malaking kuwarto, binuksan nito ang malaking aparador.

Nandu’n pala ang hinahanap nila, naka-fetus position si direk, takot na takot. Nang sabihan siya ng staff na lumabas na sa aparador ay sumenyas si direk na parang binabawal na mag-ingay ang kanyang kaharap.

Ang ninenerbiyos na sabi ni direk, “Huwag kang maingay, don’t make any noise, paparating na ang mga Hapon, papatayin tayong lahat!”

‘Yun lang.

Aktres nabuko ang plano sa mister ng kaibigan

Natatawang-napapailing na lang ang mga kaibigan ng ex ng isang female personality na bumibida ngayon sa mga kuwento tungkol sa pagkakaugnay niya sa isang pulitiko.

Hindi na bago para sa mga ito ang istor­yang kinasasangkutan ngayon ng aktres. Lumang tugtugin na ‘yun para sa kanila. Wala na raw bang bago?

“‘Yung pinsan ng isang friend namin, e, naging ka-close din ng girl na ‘yan. Siya ang gumawa ng paraan para ma­ging close sila. Natural, maganda naman ang mga ipinakikita niya, kinaibigan din siya ng pinsang babae ng kaibigan namin.

“Pero hindi naman pala siya ang gustong maka-close ng girl, kundi ang guwapo at mayamang husband niya. Ganu’n din ang nangyari, nabuking ng girl na ang asawa pala niya ang target ng girl.

“Mabuti nga at nabuking agad ng wife ang mga drama niya, hindi pa gaanong nasasaktan ang bulsa ng husband niya, pero naregaluhan na ang girl ng mga alahas. Kaya hindi na bago ang kuwentong ‘yan, paulit-ulit na lang, magkakaiba lang ang involved na guy,” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vice nakakagamot ng stress

Totoong-totoo na si Vice Ganda ang puso at buhay ng It’s Showtime. Magtulung-tulong man sa pagho-host ang mga sikat na artista ng ABS-CBN ay maituturing na maputla pa rin ‘yun kumpara sa mag-isang presensiya ng sikat na komedyante-TV host.

Ibang-iba ang programa kapag nandu’n si Vice, buhay na buhay ang kapaligiran, napakasaya ng audience at ng mga tumututok sa labas ng noontime show. Magaling kasing sumundot si Vice, very witty siya, alam niya kung saan siya papasok at lalabas.

Binubuhay niya ang usapan, ang bilis-bilis niyang makaisip ng isusundot sa mga kalahok, palaging nasa tamang tiyempo ang kanyang mga pasok at atake.

May mga kaibigan kami na bumibitiw sa show kapag wala si Vice Ganda. Hindi naman sila tumututok sa kabila, pero nag­lilipat sila ng channel, sayang daw kasi ang panahon nila dahil wala naman ang kanilang kinaaaliwang si Vice.

Sabi nga ng isang friend namin, “Si Vice ang masarap na ulam ko sa pananghalian. Siya rin ang gamot ko sa stress. Kapag wala siya, kulang ang araw ko. Hindi siya kayang halinhinan ng kahit mga sikat pang stars ng network,” papuri ng aming kausap.

Hindi lang naman kasi pagkokomedya ang alam gawin ni Vice. Makabuluhan din ang kanyang mga sinasabi lalo na kapag kuwento ng kahirapan ang kanilang tinututukan. Nakapagbibigay siya ng pag-asa sa mga kababayan nating tinatakasan na ng lakas ng loob na mabuhay.

Itinatanim niya sa isip ng manonood ang pagpapahalaga sa pagtanaw ng utang na loob. Ang pagrespeto sa ating mga magulang. At nakakaya niyang pagtawanan at gawing komedya ang sarili niyang buhay.

Ang sarili niya ang unang-unang nilalait at pinagtatawanan ni Vice Ganda. Siya ang balon ng halakhakan ng buong bayan sa panangha­lian.

vuukle comment

DIREKTOR

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with