Medyo marami ang na-off at naapektuhan nang aminin ng executive producer ng ToFarm Film Festival na hindi siya nanonood ng pelikula at naengganyo lamang na ipagpatuloy ang proyekto ni direk Maryo J. delos Reyes para makatulong sa industriya ng pelikula at sa mga magsasaka.
Nasa ikatlong taon na ng pagkakatatag ang ToFarm Filmfest at para hindi masayang ang sinimulan ng namatay na direktor, minarapat na ipagpatuloy ni Dr. Milagros How, isang doctor of medicine at nasa likod ng matagumpay na negosyong Universal Harvester, Inc., ang TFFF sa tulong na rin nina Bibeth Orteza, direktor Joey Romero, Raquel Villavicencio, direktor Antoinette Jadaone at iba pa. Bumawi na lamang si Dr. How sa ginagawa niyang pagpapatuloy ng pagbibigay ng tulong na pinansyal sa TFFF.
Pito ang napili para magsilbing entry para sa ToFarm Film Festival 2018 na magaganap sa July 13-19 na ayon sa mga sumusubaybay ng mga local film festivals ay may pinakamagaganda sa mga nag-try pumasok sa mga filmfest locally. Ito ay ang 1957, isang historical drama ni Hubert Tibi; Alimuom ni Keith Sicat; Fasang, isang period romance ni Charlson Ong; Isang Kuwento ng Gubat, isang biopic ni Rosalie Matulac na pagtutulungang idirek ng tatlong direktor; Lola Igna ni Eduardo Roy, Jr. tungkol sa inaasahang magiging pinaka-matandang tao na hahawak ng Guinness Book of Records; Mga Anak ng Kamote ni Jo Carlo Pacala, isang futuristic drama na kung kailan ang pagtatanim at pagtitinda ng komite ay bawal; Sol Searching, isang dark comedy ni Roman Perez, Jr. na tungkol sa isang tao na hindi mailibing-libing dahil sa kawalan ng pera.
Ahron ‘di na makaka-deny kay Kakai
Hindi na puwedeng itanggi ni Ahron Villena na nagkaroon sila ng relasyon ni Kakai Bautista. Wala siyang magagawa kundi ang huwag nang ipagpatuloy ang pagdi-deny ng pagkakaroon nila ng relasyon dahil kakailanganin nila ito sa promosyon ng pelikulang ginagawa nila, ang Wander Bra, na kung saan ay bibida sa unang pagkakataon ang tinaguriang Dental Diva na bukod sa isang mahusay na komedyana ay isa ring magaling na singer.
Gagampanan ni Kakai ang role ng isang super hero na kapag suot ang kanyang wander bra ay nagkakaro’n siya ng super powers.
Isa sa makakatambal ni Kakai si Ahron na masayang tinanggap ang bagong proyekto.
Isa pang magsisilbing leading man ni Kakai ay si Zeus Collins na Hashtags member. Kung si Ahron ay seryosong artista, nagagawa namang magpamalas ng malaking potensyal niya sa comedy si Zeus sa kabila ng pagkakaro’n niya ng malaking pangangatawan na hadlang sa pagpapatawa niya sa programang It’s Showtime.