K Pop group na bts no. 1 sa us charts, tinalbugan si Justin Bieber

Wow, hanggang US talaga naka-penetrate na ang K-pop. Ang kanta lang naman ng Korean phenomenal group na BTS ang nangunguna ngayon sa US album charts ayon sa report ng AFP.

“On Sunday, they passed a new milestone -- becoming the first K-pop group to top the Billboard 200 music charts which ranks albums via sales, downloads and streams,” ayon sa article.

“It’s the first No. 1 for the seven-member group, and the first K-pop album to lead the tally,” ayon naman sa Billboard online report.

Maalalang ayon sa data analysis, ang BTS din ang most talked about sa Twitter 2017 na halos doble sa bilang ng mentions kina US President Donald Trump and Justin Bieber.

Heart nakahanda na ang maternity outfits

Nagsusukat na ng maternity outfits si Heart Evangelista. Sa kanyang IG story, pinakita niya ang ginagawang adjustment sa outfit pants na binili pa raw ng kanyang daddy na nakasama niyang nag-shopping last Sunday.

Mukha ngang excited ang daddy niya  sa kanyang pagbubuntis na more than three months na.

At dahil hindi nga busy si Heart, nakakapunta pa ito sa senate office ng mister na si Sen. Chiz Escudero base pa rin sa IG story niya.

 Talent at sports workshops libre sa Navotas

Bongga ang Navotas. More than 1,000 Navoteño pala ang nakakuha ng libreng talent at sports workshops.

At umabot sa 289 ang umano’y natutong umarte, sumayaw, magpinta, maggitara at mag-arnis sa Summer Youth Program (SYP) ng local government ng Navotas.

Samantala, 865 naman ang nag-training sa ilalim ng NavotaAs Sports Camp Batch 17 kung saan natuto sila ng basketball, volleyball, badminton, taekwondo, table tennis, judo, track & field, soccer, poomsae at swimming.

“Young Navoteños deserve to have access to trainings and workshops that could develop and enhance their interest in arts or sports. We want them to enjoy and, at the same time, make the most of their summer break,” Mayor John Rey Tiangco said.

Inilunsad ang nasabing programa noong 2000 sa termino ni dating mayor at ngayon ay Cong. Toby Tiangco to encourage the youth to discover and hone their talents.

Ang sports clinic ay isinasagawa tatlong beses isang taon bilang bahagi ng kampanya ng lungsod laban sa iligal na droga. Ang programang ito ay sinimulan noong 2011, isang taon matapos umupo sa pwesto si Mayor John Rey.

 Binuksan na ng lungsod ang registration para sa NavotaAs Sports Camp Batch 18. Maaaring sumali sa workshop ang mga Navoteño na 7-21 taong gulang.

 TNT boys umeeksena

 Matapos mapansin ng mismong American group na Bee Gees ang panggagaya ng TNT Boys, nakamit ng Bigshot Trio ang kanilang kauna-unahang panalo sa Your Face Sounds Familiar Kids para sa kanilang transformation sa girl group na Destiny’s Child noong weekend.

Gumawa muli ng ingay ang TNT Boys sa international scene nang mag-post sa official Twitter account ng Bee Gees ang “Imitation truly is the sincerest form of flattery! Thank you #TNTBoys @YourFacePH for your rendition of ‘Too Much Heaven.’”

Papuri rin ang inilathala ng international online sites na pickle.nine.com.au ng Australia, smoothradio.com mula Great Britain, at 957bigfm.iheart.com ng USA para sa nakabibilib na impersonation nila.

Kasalukuyan na ngang umabot sa 4.4 million views ang performance nina Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Kiefer Sanchez ng Too Much Heaven. Ilang reactors na rin sa YouTube ang ang bumilib sa rendition nila ng awitin dahil na rin sa plakadong panggagaya nila sa boses at itsura ng 70s band.

Ngunit bukod sa impersonation nila ng Bee Gees, pumalo na rin sa ilang milyong views ang performances nila bilang Apo Hiking Society (1.6 million) at Salbakuta (2.2 million).

Sa unang pagkakataon naman, nakuha na ng TNT Boys ang kampeonato sa pagbirit at pag-indak nila bilang Destiny’s Child noong Sabado (May 26) matapos nilang awitin ang Survivor.

“Ang ganda-ganda n’yong tatlo. Ang galing-galing n’yong tatlo. Grabe pinapasaya niyo kaming lahat, lalo ako. Baon ko kayo buong linggo, thank you so much,” sabi ng huradong si Sharon Cuneta.

 Inabangan nga ang Your Face Sounds Familiar Kids noong weekend sa buong bansa matapos nitong magkamit ng national TV rating na 32% noong Sabado (May 26) ayon sa datos ng Kantar Media. Nagpatuloy din ang panalo nito noong Linggo (May 27) sa pagtala nito ng 32.2%.

Show comments