^

PSN Showbiz

Tatay ng anak ni Vina na si Cedric Lee, guilty sa kidnapping

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tatay ng anak ni Vina na si Cedric Lee, guilty sa kidnapping

Guilty beyond reasonable doubt ang hatol ng RTC Branch 277 ng Mandaluyong City kay Cedric Lee, ang ama ng anak ni Vina Morales na sinampahan ng kidnapping case ng singer-actress.

Ito ang desisyon ng korte tungkol sa reklamo na inihain ni Vina laban kay Cedric noong 2016.

Judgment is hereby  rendered finding accused Cedric Cua Lee guilty beyond reasonable doubt of the crime of  Kidnapping and Failure to Return A Minor  under Article 270 and in relation to Article 271 of the Revised Penal Code, and  he is sentenced to pay a fine of  Three Hundred Pesos ( P300 ), and to pay private complainant  Sharon Magdayao a.k.a. Vina Morales, moral damages of P25,000.00 and nominal damages of P25,000.00 with interest  at the rate of 6% per annum from the finality of judgment until fully paid.

Medyo nalito ang mga nakabasa ng hatol ng korte dahil hindi sila makapaniwala na P300 at P50,000 lang ang babayaran ni Cedric kay Vina pero hindi sila nagkamali ng basa dahil ‘yon talaga ang utos ng husgado.

Dahil may closure na ang kidnapping case na isinampa ni Vina laban sa dating boyfriend niya, asking naman ang mga tao kung kailan lalabas ang desisyon ng korte tungkol sa mga kaso na isinampa ni Vhong Navarro laban kay Cedric at sa mga kasama nito.

National news noong January 2014 ang pambubugbog kay Vhong ng grupo ni Cedric na nangyari sa isang condominium building sa Taguig City pero hanggang ngayon, hindi pa nakakamit ni Vhong ang hinahanap niya na hustisya.

Apat na taon na ang nakalilipas buhat nang maganap ang insidente pero nauna pa na magkaroon ng desisyon sa kaso na isinampa ni Vina.

Aktres na nagkakaedad gamit na gamit pa rin ang katawan para magkadatung!

Kalurky ang aktres na nagkakaedad na pero ginagamit pa rin ang katawan para magkaroon ng mga rich papa.

Confirmed ang balita na isang mayamang mhin ang dinidikitan ngayon ng aktres na gagawin ang lahat para ma-maintain ang lifestyle niya.

At least, ginagamit na ngayon ng aktres ang utak niya dahil noong bagets pa siya at kanasa-nasa ang katawan, mga mhin na guwapo nga pero walang datung ang mga pinapatulan niya.

Pero sana nga, matagpuan na ng aktres ang mhin na magmamahal sa kanya ng wagas at tapat dahil hindi na siya bumabata. Baka matulad siya sa ibang aktres na nalosyang ang byuti pero walang mhin na sumeryoso sa kanila dahil sa kanilang dark past. Dark past talaga o!

Kylie ‘di na halatang nanganak

Si Kylie Padilla ang winner sa Sunday episode ng Lip Sync Battle Philippines. Tinalo niya si Gabbi Garcia na nakipag-sanib puwersa pa kay Sanya Lopez.

Seksing-seksi si Kylie sa song and dance number niya sa Lip Sync Battle Philippines. Parang hindi siya nanganak pero obvious na na-miss nang todo ni Kylie ang pag-apir sa TV at ang pag-arte.

Pumayat na si Kylie mula nang isilang niya ang anak nila ni Aljur Abrenica. Anytime na gustuhin ni Kylie, puwedeng-puwede na siya na magbalik-showbiz.

Matagal na nagpahinga si Kylie dahil nag-babu siya sa showbiz noong last quarter ng 2016 pagkatapos isiwalat sa publiko na buntis siya.

Kasali sana si Kylie sa cast ng isang primetime teleserye ng GMA 7 na nagwakas na pero tinanggihan niya ang offer bilang hindi pa siya ready noon na humarap sa kamera dahil  sa kanyang unwanted pounds.

CEDRIC LEE

VINA MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with