Produkto ng dalawang linggong shooting sa Malaysia ang huling obra ni Lav Diaz na Ang Panahon ng Halimaw na nagtatampok kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Apat na oras din ang screening time nito na katulad din ng Ang Babaeng Humayo nina Charo Santos at John Lloyd Cruz at Hele sa Hiwagang Hapis nina John Lloyd at Piolo Pascual.
Mapapanood na ang pelikula sa buwang ito. Malaki ang kaibahan ng Halimaw sa Ang Babaeng Humayo at Hele dahil isang Pinoy Rock Opera ito.
Pakanta ang ginawang delivery ng dialogue ng mga gumaganap. Ngayon pa lamang ay humahakot na ito ng papuri at parangal sa abroad. Nominado ito sa 68th Berlin International Film Festival at nauna nang nanalo bilang Best Film sa 58th Festival Internacional de Cine Cartagena de Indias.
Bagaman at maituturing na magagaling na artista na sina Piolo at Shaina ay pawang take one ang mga eksena nila. Sobra ang pressure nila dahil lahat sila ay kinailangang ibigay ang pinakamagaling nila dahil miminsan lamang at walang take two silang maaasahan.
Kris wala nang nararamdaman sa bashers
Inggitera talaga ang maraming netizen kay Kris Aquino. Akalain mo na pati ang bagong James (Lim) na marahil ay nagdagdag sa magandang kabuhayan niya sa pamamagitan ng bagong trabaho na pinasasalamatan nito openly ay niri-resent nila, dahil feeling nila ay pinag-iinteresan na naman ito ng sikat na product endorser.
Pinatatag na marahil si Kris ng walang habas na bashing sa kanya kaya hindi na siya nananahimik, sumasagot na siya sa kanila.
It’s nice to note na sa kabila ng mga hindi magagandang salita na ibinabato sa kanya, Kris has maintained her composure at ang kagandahang asal na kinalakhan niya.