Jolina nakaraos na sa second baby!

Baby girl ang isinilang ni Jolina Magdangal via caesarean operation kahapon. Pinangalanan nila ng husband niyang si Mark Escueta na Vika ang kanilang pa­ngalawang anak.

Post ni Jolina, nangingibabaw ang tuwa nya sa paglabas ng baby niya, pero ina­min niyang may kaba at takot din siyang nararam­daman dahil nga siguro caesarean siya at nagkaroon ng gestational diabetes.

Para sa baby girl nila ni Mark, may pa-hashtag silang mag-asawa na #TeleVika.

Nakakatuwa ring basahin ang kwento niya sa panganay nilang si Pele at kung paano nila ito inihanda sa pagdating ng baby sister.

Marami ang naka-relate sa na-share ni Jolina na nahirapan sila ni Mark na kausapin si Pele na sa sariling kama na matutulog na nasa kwarto rin naman nilang mag-asawa. Pagkatapos umiyak ni Pele, siya naman ang umiyak.

Ex-B dumami ang raket kay AIAI

Humahataw ang Ex-Battalion sa rami ng projects nila na talagang sunud-sunod. Bukod sa sikat na recording stars, magkakaroon sila ng movie sa Viva Films at pinost ng manager nilang si AiAi delas Alas ang photo ng contract signing nila sa harap ni Mr. Vic del Rosario.

Umarte na rin ang grupo nang ma-feature sila sa Magpakailanman at naggi-guest na rin sila sa mga teleserye ng network. Nag-cameo sila sa My Guitar Princess at sa Inday Will Always Love You.

In-announce na rin ng GMA-7 na magkakaroon sila ng online show sa GMA Online.

Ang pinaka-latest, ang Ex-Battalion ang kumanta ng theme song ng Victor Magtanggol at kagabi, sa 24 Oras, unang narinig ang theme song na ang title ay Super Hero Mo. Maganda ang song, mabilis maka-LSS at kahit hindi pa umeere ang te­leserye ni Alden Richards, maririnig na sa DWLS at DzBB ang nasabing kanta.

Laging nauunang i-congratulate si AiAi sa rami ng projects ng Ex-B dahil magaling daw siyang manager. Hindi kami magugulat kung maraming talents ang lumapit sa kanya para magpa-manage. Pero sabi nito, hanggang two talents lang ang ima-manage niya, ang Ex-Battalion at si Jiro Manio.

Aiza singer na uli ang pakiramdam

Ang saya ni Aiza Seguerra nang i-announce sa socmed ang “Yey!!! Singer ako ulit!” at “Yey!!! Labas naa!!!.”

Ang tinutukoy nito ay ang album niyang Anghel sa Lupa under Universal Records.

Kabilang sa mga natuwa na active na uli si Aiza sa singing ay si Martin Nievera na nag-comment ng “You have always been one of my favorite singers!” na sinagot ni Aiza ng “love you Kuya Mart.”

Siyempre, bukod sa parents niya, number one supporter ni Aiza ang misis niyang si Liza Diño na siguradong unang nag-download sa single.

Show comments