^

PSN Showbiz

Piolo nilabas ang pagmamahal kay Sarah

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo nilabas ang pagmamahal kay Sarah

Back to ASAP si Sarah Geronimo kahapon. Sweet and special ang pa-welcome sa kanya nina Piolo Pascual, Luis Manzano and Robi Domingo with matching bouquet of flowers matapos ang kanyang song numbers.

Ito ang first time na napanood uli si Sarah sa musical variety show after ngang naiyak siya sa kanyang concert sa Las Vegas. “Na-miss ko din mag ASAP. Maraming salamat at nandito ako ulit. Sa lahat po ng nanood na mga Kapamilya natin sa US ng concert ko po, thank you po,” sabi ng pop royalty.

Nagbigay naman ng kanya-kanyang message sina Papa P, Luis and Robin na kinatatawa ni Sarah at tinatanong kung birthday niya ba.

No matter what achievement, I will always be proud of you. Ang yung friendship namin goes past all the cameras that you see,” sabi ni Luis.

 “Grabe ka, ‘yung talent at puso mo. Popster talaga ako pero dito sa ASAP, kapamilya kami,” hirit naman ni Robi.

 “A lot of stars have come and gone and still a lot of them will come and go, but your star will always remain. We just want you to know that we love you from the bottom of our hearts,” sabi ni Piolo kay Sarah na naging leading lady niya sa pelikulang The Breakup Playlist.

Magiging busy na si Sarah sa mga darating na araw sa promo ng pelikulang Miss Granny na showing na sa August 22.

Anne nag-iiba na ang style, tanggap na tita tiyanda na; Marian aligaga sa smile

Ini-expect ngayong gabi sa premiere night Sid & Aya starring Anne Curtis and Dingdong Dantes si Marian Rivera.

Kung masipag kasing mag-promote sina Anne and Dingdong, ganundin si Marian lalo na sa kanyang social media account.

Laging all out si Marian sa tuwing may movie si Dingdong.

Tiyak din walang oras si Marian sa iniisyu sa kanila ni Anne dahil mas abala siya sa pagpo-promote ng kanyang Smile campaign.

Si Anne naman ay nag-set ng new rules:

1. High waist pants are life to hide Tita Tiyanda. 

2. Umawra as if magaling kang kumanta.

3. Kapit lang Bes. God will do the rest. And I, thank you. Bow.”

Wear a Smile, Share a Smile, #YanAngSmile

“Bilang isang Smile Maker, ito po ang aking mun­ting proyekto para makatulong sa Smile Train kids. Ang Smile Train ay isang organization na nagbibigay ng libreng corrective surgery sa libu-libong batang ipinanganak na may hiwa sa labi o butas sa ngala-ngala. Sa pamagitan po ng pagbili ng YanAngSmile T-shirt ay mabibigyan po natin ang mga bata ng Smile Train ng bagong ngiti at bagong buhay. To Jamie of Ink Elephant Studio and my Kultura family, thank you so much for the support. ?Please buy one (or several) Yan ang Smile t-shirt to support this cause. ALL proceeds will be donated to Smile Train,” sabi ni YanYan.

Jolina rollercoaster ang naramdaman bago nanganak

Ngayong araw na manganganak si Jolina Magdangal. Kahapon ay iba na raw ang pakiramdam niya at kabado kahit pang-second baby na niya ito. Aminado si Jolens na mas hirap siya ngayon sa kanyang pagbubuntis.

This is it!!! Countdown begins. Hindi ko na maintindihan ang feelings ko.  Parang rollercoaster, syempre nangingibabaw ang happiness, pero may mga pasundot sundot na kaba, takot at madaming di ko maexplain. Isang tulog nalang simula na ang...”

ABS-CBN station of the year sa Rotary Club Of Manila 

Kinilala ng Rotary Club of Manila ang ABS-CBN bilang Television Station of the Year. Ginawaran din ng tropeo ang pito nitong beteranong mamamahayag sa iba’t ibang kategorya.

Panalo si Ted Failon ng TV Patrol  bilang Male Television Broadcaster of the Year, habang si Annalisa Burgos naman ng Early Edition  ang panalong Regional Female Broadcaster of the Year. Panalo rin ang mga broadcast journalist na si Doris Bigornia at RG Cruz ng Television Female Reporter of the Year at Television Male Reporter of the Year.

Sa kategoryang AM radio naman, pinangalanang Male Radio Broadcaster of the Year ang DZMM Radyo Patrol 630 anchor na si Vic De Leon Lima. Nagwagi rin ang mga ABS-CBN DXAB Davao anchor na si James Galay at Rosemarie Ann Diaboro bilang Regional Male Broadcaster of the Year at Regional Female Broadcaster of the year.

Inilunsad ang Rotary Club of Manila Journa­lism Awards noong 1966 upang kilalanin ang mga natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa print, radio, at telebisyon, upang suportahan ang pag-unlad ng pamamahayag sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakakilalang award-giving body sa larangan ng pamamahayag.

PIOLO PASCUAL

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with