Dapat nang magsalita si Ara Mina tungkol sa isyu na ibinibintang sa kanya para magkaroon na ito ng closure.
Lumaki na ang intriga dahil may mga ibang tao na nadadamay tulad ni Vina Morales na kaibigan daw ng misis ng mhin na nali-link kay Ara.
Nagsimula sa blind item ang kuwento hanggang sa pangalanan na si Ara kaya ito na ang pinag-uusapan, hindi na ang tsismis na may problema sa relasyon ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes at sa asawa nito na si Ali Khatibi.
Sure naman kapag nagsalita na si Ara, tiyak na matatapos na ang intriga dahil ang sagot niya ang hinihintay ng mga sumusubaybay sa juicy controversy.
Direk Mike disappointed kayi Atom!
Good reviews ang nababasa ko sa comeback movie ng award-winning director na si Mike de Leon pero umingay ang pelikula niya dahil sa kanyang statement na disappointed siya kay Atom Araullo bilang tao, hindi bilang artista.
Si Atom ang bida sa pinag-uusapan na comeback movie ni Mike pero nadagdagan ang ingay ng pelikula dahil sa reklamo ng magaling na direktor.
Hindi naman nilinaw na mabuti ni Mike ang ugat ng disappointment niya kay Atom kaya kanya-kanya ng hula ang mga intrigero at intrigera.
“I am not a hypocrite. Atom is not a professional actor and many people have been asking me what I thought of his performance,” ang emote ni Mike na minsan lang magsalita pero nakukuha niya ang atensyon ng lahat.
“So I gave my honest opinion here on FB. Para matapos na ang tanong kung bakit ako tahimik. Atom knows and will be the first to admit that it was not easy to act professionally in a difficult movie like Citizen Jake.
“But he did his best and to a certain extent even created his own character. I have posted my opinions about the other members of the great cast.
“It would look real funny if I did not give my opinion of Atom’s performance as his director. Now the public is different. If they think that Atom gave a great performance, who am I to question that?
“Please rethink your comments because you do not know what it is like to be a director of a very difficult film. Try to separate the personal from the professional. Thank you but I will not discuss this any further.
“Atom knew what he was getting into. He has been cast with some of the finest actors we have right now. And he IS the lead role, he is Citizen Jake.
“He had no choice but to step up his game and match them. In most of the film, he did and I commend him for it. But acting, like any profession cannot be perfected in one film. Its a process and takes years of experience.
“And your comment about my making a documentary, where did that come from? it defies logic. I never intended to make documentary.
“Sorry if I have to be this blunt but we Filipinos always find excuses and never face issues head on kaya ganyan tayo,” ang intriguing na litanya ni Mike tungkol sa lead actor ng pelikula.
Patulan at sagutin kaya ni Atom ang mga akusasyon ni Mike laban sa kanya o mananahimik na lamang siya, alang-alang sa pelikula nila para hindi ito mag-nega?