Atom walang balak patulan si Direk Mike
AlDub fans, tanggap na sina Maine at Juancho
PIK: Sa gitna ng taping ni Vice Governor Jolo Revilla sa FPJ’s Ang Probinsyano, sinisingit pa sa schedule niya ang shooting ng pelikula nilang Tres at may panahon pa pala siyang gumawa ng mga kanta.
Ayaw pa niyang ikuwento sa amin kung ano ang tipo ng mga kantang ginagawa niya. Lalo namang deadma siya sa amin kung ano o sino ba ang inspirasyon sa mga nagawa niyang kanta.
Meron yata siyang binubuo na gagawing theme song ng pelikula nilang magkakapatid na sina Bryan at Luigi Revilla.
PAK: Nararamdaman na raw ni Juancho Trivino na unti-unti nang tinatanggap ng mga AlDub fans ang friendship nila ni Maine Mendoza.
Kahit ano pang pangungulit naming meron talagang namamagitan sa kanilang dalawa, consistent si Juancho sa pagsasabing close friends lang talaga sila ni Maine.
Dagdag niyang pahayag; “May mga fans na… they support the idea pero like what I’ve said, Maine and I are really good friends.
“May mga tao rin naman na naintindihan na magkaibigan talaga kami at binibigyan talaga kami ng support, at ini-encourage talaga ako na hindi ka dapat panghinaan ng loob na hindi ka dapat lumayo kay Maine.”
Kahit nakakatanggap pa siya ng pamba-bash, at minsan ay napapag-usapan daw nila ito ni Maine, hindi naman daw ito nakakaapekto sa kanilang friendship.
Happy lang ngayon si Juancho dahil maganda ang feedback at mataas ang rating ng bagong series niyang Inday Will Always Love You na kung saan siya ang lumalabas na conflict sa tandem nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.
BOOM: Ayaw pa ring magsalita ni Atom Araullo tungkol sa di magagandang komento ngayon ng direktor niya sa Citizen Jake na si direk Mike de Leon.
Sinabi ni direk Mike na na-disappoint daw siya kay Atom hindi bilang aktor kundi bilang isang tao.
Mahaba ang hanash ng nagbabalik na direktor na kung anu-ano pa ang mga sinasabi laban sa journalist/actor pero hindi talaga siya pinatulan ni Atom.
Hindi man lang niya kinunsider na showing na ang kanilang pelikula, hinaluan niya ito ng kanegahan.
Hindi naman nagpabaya si Atom sa promo nito.
Sa katunayan, pati ang ABS-CBN 2 na pinanggalingan ni Atom ay nakipag-cooperate dahil pinayagan siyang mag-guest sa Headstart ni Karen Davila sa ANC (ABS-CBN News Channel). Pumayag din ang GMA 7 na umapir doon si Atom.
Pero hindi naman natuloy dahil sa mga hinihinging kondisyunes ni direk Mike.
Okay naman daw ang ilang kondisyon, pero ang hindi lang maatim ni Atom at pati na rin ang programa ay gusto ng naturang direktor na pag-usapan ang kanilang hidwaan.
Hindi talaga nakakatulong lalo na’t ngayon din siya nagbabalik sa paggawa ng pelikula.
Lahat nang pang-alipusta at negatibong komento ng direktor ay pinalagpas na lang ni Atom. Nilunok na niya lahat kahit gustung-gusto na niyang sagutin.
Iyun din naman ang payo sa kanya ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, huwag na lang patulan.
- Latest