Matapos magbayad ng utang ng pamilya
Madaling maintindihan kung bakit sabik na sabik sa mga branded na kagamitan ang isang pamosong female personality. Galing kasi siya sa isang pamilyang nakaranas ng kahirapan.
?Naging masalimuot ang takbo ng kanilang buhay nang masangkot ang kanyang magulang sa matinding problemang pampinansiyal. Siya, sa kanilang magkakapatid, ang nakaengkuwentro nang grabeng kahirapan.
?Pero ang lahat ay naiayos ng pamilya nang suwertehin siya sa pag-aartista, sumikat siya at kumita nang milyones, ‘yun ang ipinambayad ng kanyang pamilya sa kalat-kalat nilang mga pagkakautang.
?Kuwento ng aming source, “’Yung mga unang taon ng kinita niya, e, hindi pinakinabangan ni ____(pangalan ng babaeng personalidad). Nagsakripisyo siya. Inuna muna niyang ayusin ang problema ng family nila.
?“Talagang isinantabi muna niya ang mga personal niyang pangangailangan, puro ex-deal lang ang mga isinusuot niya nu’n, samantalang malaki naman ang kinikita niya. Family muna bago ang sarili niya.
?“Pagkatapos nilang mabayaran ang mga kargo ng pamilya nila, e, saka pa lang siya nagkaroon ng chance na i-spoil ang sarili niya. ‘Yun na ang time na bumibili na siya ng mga branded stuff bilang premyo niya sa maghapon at magdamag niyang pagtatrabaho.
?“Grabe ang trabaho niya nu’n, halos wala na siyang pahinga, pero wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Ang bilis-bilis pa naman niyang umiyak, di ba?
?“Bukod sa acting, e, kumakanta rin siya, malaki ang kinikita niya sa mga out-of-town shows. Mabentang-mabenta siya dito at kahit sa iba-ibang bansa, kasi nga, e, sikat siya!
?“Meron siyang premyo sa sarili niya kapag malaking-malaki na ang pera niya sa bank, bumibili siya ng mga branded bags and shoes na kung hindi siya nag-artista, e, hindi niya matikman.
?“Kung alam lang ng mga bashers niya ang pinagdaanan ng girl, e, baka regaluhan pa siya ng mga taong ‘yun ng mga branded stuff. Dakila ang puso ng girl, inuna muna niya ang family niya bago ang personal happiness niya.
?“Isinakripisyo niya ang lahat-lahat para lang maiayos ang financial problem ng family niya. Pati nga ang kanyang Mr. Right, isinantabi muna niya dahil sa pamilya niya, di ba?” pagtatapos ng aming source.
Negosyanteng BF ni Jessica walang alam sa kanyang pinagdaanan sa American Idol
Napakadaling mahalin ni Jessica Sanchez, ang kababayan nating nakipagsukatan ng talento sa American Idol Season 11, hindi man siya ang naging kampeon ay panalung-panalo naman siya sa puso ng mga Pinoy.
?Walang kaarte-arte si Jessica sa kabila ng kanyang kasikatan, napaka-down-to-earth ng magaling na singer, kaya sa maigsing panahon ay minahal-niyakap agad siya ng ating mga kababayan.
?Dumating si Jessica Sanchez sa CFM nu’ng Huwebes nang hapon para mag-imbita para sa concert ni Jake Zyrus kung saan isa siya sa mga special guests.
Kasama niya sa aming programa ang kanyang boyfriend na Espanyol na si Ricky na nakilala niya sa isang gig niya sa Los Angeles.
?Pinaupo na rin namin para sa interview ang binata, habang kumakanta kasi si Jessica ay kitang-kita namin kung gaano ito ka-proud sa kanyang girlfriend, negosyante si Ricky na mula sa L.A. ay lumipat na rin sa San Diego para makasama lang ang dalaga.
?Walang kaalam-alam si Ricky na naging kalahok sa American Idol si Jessica, aminado ang binata na sobrang abala ito sa kanyang mga negosyo, pero nang minsan nitong mapanood si Jessica sa isang gig ay sobrang humanga na si Ricky.
?At magandang desisyon ang ginawa ng binata dahil walang kaere-ere si Jessica, kahit marami nang nagpapa-picture sa kanya ay hindi siya umaangal, napakahigpit niyang yumakap at kumamay sa kanyang mga tagahanga na malaking senyal ng sinseridad.
?Ipinanganak man at lumaki sa Amerika si Jessica Sanchez ay ugaling Pilipino pa rin ang kanyang taglay, hindi man siya nakapagsasalita nang diretso sa ating wika ay Pinoy na Pinoy ang kanyang puso, nakasayad pa rin sa lupa ang magkabila niyang paa kahit pa kilalang-kilala na siya sa buong mundo.
?Hindi nagkamali ang ating mga kababayan sa pagbibigay ng suporta sa kanya sa American Idol. Sabi nga ng magaling na singer na si Martin Nievera, “You don’t have to win to become a winner,” panalung-palano si Jessica Sanchez sa puso ng sambayanang Pinoy.