Anne at Dingdong very fresh ang ginawa!

Hindi inakala ni Anne Curtis na muli silang magkakasama ni Dindgong Dantes sa isang proyekto. Dalawang dekada na ang nakalilipas nang huling magkasama ang dalawa sa isang youth-oriented show. Ngayon ay magkatambal sina Anne at Ding­dong sa pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) na ipalalabas sa mga sinehan simula sa May 30. “Nakasama ko si Dong 20 years ago. Sobrang bata pa ako noon, super support lang, kapatid ni Dino (Guevarra), kapatid ni Antoinette (Taus), pinsan ni Kim (delos Santos). Ganyan ang roles ko, partner ni Chubi (del Rosario). So hindi mo talaga iisipin na magiging magka-partner kami ni Dong in one movie,” nakangiting pahayag ni Anne.

Kahit ngayon lamang nagkatambal ang dalawa ay hindi naman na raw nakaramdam ng pagkailang si Anne sa kanilang mga eksena ng aktor. “After 20 years in the making, I think advantage na nagkatrabaho na kami dati. Kaya ngayon na nagkatrabaho kami, medyo kumportable and hindi nagkakailangan,” giit ng aktres. Mayroong mga maseselan na eksena sa nasabing pelikula at ayon kay Anne ay nagawa nila nang maayos ito dahil na rin sa tulong ng kanilang direktor na si Irene Villamor. “I guess for me, direk chose to attack the scene as ethical na atake which is very now, very fresh. It is beautifully done by our director,” pagbabahagi ni Anne.

Sharlene at Nash, nagulat na magbibida sa pelikula

Magbibida sa pelikulang Class of 2018 sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas.

Hindi raw kailan man sumagi sa isip ni Sharlene na makapagbibida sila ng aktor sa isang malaking proyekto. “Sobrang nakakagulat po kasi first time lead rin namin sa film. Medyo matagal-tagal na rin since na naka-acting ako kasi puro ginagawa ko po ngayon hosting sa MYX. Tapos, no’ng pinitch sa amin ‘to, nagulat ako kasi sabi ko ito ‘yung story na kakaiba na hindi pa talaga nakikita sa Philippines kaya sobrang excited po,” bungad ni Sharlene. 

Umaasa naman si Nash na patuloy pa rin silang susuportahan ng dati pa nilang mga tagahanga ang bagong pelikula na kanilang gagawin ng aktres. “Nagkaroon po kami ng NashLene fans kahit wala naman po kaming love team. So nakakapagtaka po kasi parang ever since po na-enter ako sa showbiz, siya po ‘yung kasama ko sa SCQ (Star Circle Quest). So parang sabi nga ni direk, nostalgic ‘yung feeling kapag nakikita kaming magkasama,” nakangiting pahayag ni Nash.

Para sa dalawa ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kakaibang tema ng kanilang pelikula. “Ngayon kasi kahit ako as a viewer, kapag nanonood ako sa Netflix, ‘yon ‘yung hinahanap ko, ‘yung hindi ko pa napapanood. So itong film na ito, hindi ko pa siya napapanood sa Philippine cinema,” giit ni Sharlene.  “In a way, kung familiar kayo sa tema ng Riverdale, gano’n ‘yung theme, ‘yung may pagka-dark, drama, rom-com (romantic-comedy),” dagdag naman ni Nash.  

Show comments