Pansamantala munang hindi mapapanood sa longest-running noontime show na Eat Bulaga ang isa sa mga haligi at original hosts ng nasabing programa kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Vic “Bossing” Sotto at barkadang si Joey de Leonmatapos siyang mahalal na bagong Senate President nung nakaraang Lunes, May 21 kapalit ng dating Senate President na si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel.
Bilang bagong Senate President, tututukan muna ni Tito Sen (tawag sa kanya ng mga taga-showbiz) ang kanyang bagong mandate.
Jameson super in demand
Ang twenty-year-old Fil-Am ex-PBB housemate-turned actor-dancer Jameson Blake ay isa na ngayon sa mga in-demand young actors sa kasalukuyan.
Sampung taong gulang pa lamang siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Naiwan sa Hong Kong (kung saan siya ipinanganak) ang kanyang American dad at sumama naman siya sa kanyang Filipina mother na umuwi ng Angeles City, Pampanga.
Ang kauna-unahang movie project ni Jameson, ang 2 Cool To Be 4gotten na kalahok sa 2016 Cinema One Originals Festival ay naghatid sa kanya ng kanyang kauna-unahang Best Supporting Actor Award. Ang nasabing pelikula ay tinampukan din nina Khalil Ramos at Ethan Salvador na sinulat ng writer-director na si Jason Paul Laxamana at dinirek ni Petersen Vargas.
Jameson was also signed up to a multi-picture contract ng Regal Films at nakakatatlong pelikula na siya sa nasabing film outfit – ang Haunted Forest in 2017. Earlier this year ay ipinalabas naman ang Mama’s Girl habang showing ngayon sa mga sinehan nationwide ang So Connected na pinagtatambalan nila for the very first time ni Janella Salvador mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Samantala, dream come true para kay Jameson na makapareha sa pelikula ang kanyang crush na si Janella Salvador sa pelikulang So Connected na nagbukas sa mga sinehan last Wednesday, May 23.
Ian, sabik maka-trabaho sina Nora at Boyet
Nagpapasalamat ang actor na si Ian de Leon na siya’y napasama sa sinusubaybayang late afternoon TV series ng Kapamilya Network, ang Blood Sisters na tinatampukan ng isang powerhouse cast sa pangunguna ni Erich Gonzales.
Hindi ikinakaila ni Ian na matagal na niyang pangarap na mapasama sa isang teleserye kahit alam niyang kinamumuhian ang kanyang character bilang isang kontrabida.
Hindi rin makakalimutan ni Ian ang kanyang two-week guest appearance sa FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Being a family man, umaasa si Ian na mas magiging busy at visible siya sa mga darating na araw dahil pangarap din niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang three-year-old son na si Jaden.
Natutuwa rin si Ian na pare-pareho silang busy ngayon sa magkakaibang project sa telebisyon ng kanyang mom (Nora Aunor), dad (Christopher de Leon) at mga kapatid na sina Lotlot at Matet de Leon.
Hindi rin ikinakaila ni Ian na pangarap niyang makatrabaho ang kanyang estranged parents at mga kapatid sa TV o pelikula kahit sa magkakahiwalay na proyekto.