Simpleng gown ni Princess Meghan, P22 milyon ang halaga!

Meghan

Sobrang simple ng wedding gown ni Meghan Markle na gawa ni Claire Waight Keller ng Givenchy pero sa Philippine currency, P22 million ang halaga ng damit na pinupuri at siguradong gagayahin ng ibang mga kababaihan na nagbabalak na magpakasal at gustong makatipid dahil puwede silang magpagawa ng minimalist bridal gown na hindi milyon ang presyo.

Nag-set ng trend si Meghan na ikinatuwa ng mga fashion designer dahil biglang naging passe ang mga bridal gown na OA ang mga design. Puwede nang maningil ng mahal ang mga fashion designer para sa mga wedding gown na gagawin nila na hindi na kailangan na mag-isip sila ng bonggang design.

Biglang sumikat at nakilala si Claire dahil ito ang gumawa ng tightly guarded secret bridal gown ni Meghan.

Nadagdagan din ang followers niya sa social media, nag-trending ang kanyang pangalan noong Sabado pero in fairness kay Zsa Zsa Padilla na may sosyal na taste sa damit, dati na siyang follower ni Claire.

Prince Harry kinakiligan, simple hairstyle at no make up look biglang nauso

Siyempre, kinilig-kilig ako nang panoorin ko ang live telecast sa BBC ng Royal Wedding nina Prince Harry at Meghan.

I am very sure, kinilig din ang girls kay Prince Harry na sa mga tingin pa lang nito kay Meghan, halatang-halata na in love na in love siya sa kanyang bride.

Bago nagsimula ang bridal procession, bakas sa mukha ni Prince Harry ang sobrang kaba at excitement na nararamdaman.

Duchess of Sussex ang title na ibinigay ni Queen Elizabeth kay Meghan pero prinsesang-prin­sesa ito habang rumarampa sa aisle ng St. George’s Chapel ng Windsor Castle. Hindi lang ang minima­list white gown ang ipinauso ni Meghan dahil trending din ang kanyang simple hairstyle at no make up look.

Ellen next month na raw ang due date

Ang live telecast ng Royal Wedding nina Prince Harry at Meghan ang dahilan kaya natabunan ng slight ang pagkalat ng mga litrato ng very pregnant na si Ellen Adarna na kuha sa Amanpulo vacation nila ni John Lloyd Cruz.

Confirmed na hindi pa isinisilang ni Ellen ang panganay nila ni John Lloyd kaya ma­linaw na fake news ang claim ng isang Pinoy na ipinangalandakan na lihim na nanganak ang sexy star sa isang ospital sa Singapore.

Ang sabi naman ng ibang tsismosa, sa susunod na buwan ang due date ni Ellen at kung totoo ito, may chance na maging ka-birthday ng bagets ang tatay niya na nagdiriwang ng kaarawan tuwing June 24.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit big deal sa iba kung buntis o nakapanganak na si Ellen.

Binabatikos nila ang paglilihim ni Ellen sa tunay na kalagayan nito pero in fairness sa kanya, hindi naman niya idine-deny na buntis siya. Hindi lang talaga sila nagsasalita ni John Lloyd at hindi pinagbibigyan ang mga request na interbyu.

Baka nga true ang tsismis na hindi pa maamin noon ni Ellen ang pagbubuntis dahil hindi pa tapos ang mga kontrata niya na may non pregnancy clause or else, madedemanda siya.

Anyway, sure naman na kahit tikom ang bibig nina Ellen at John Lloyd, malalaman ng mga tao ang araw ng pagsisilang ng dating sexy star at ang gender ng kanilang coming soon baby.

Tandaan, kahit tinalikuran nina Ellen at John Lloyd  ang pagiging mga artista na naghatid sa kanila ng fame and fortune, wala silang puwedeng ilihim sa showbiz dahil lalabas ang katotohanan, lalo na ang mga kagaya nila na nagbabu sa entertainment industry pero active pa rin sa social media.

Show comments