Guest sa Royal Wedding nagpatalbugan sa hats

Amal Clooney

LGBT Community dismayado kina Paulo at Ricky!

SEEN: Balak isali ng mga producer ng Imus Productions sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ng Film Development Council of the Philippines ang Tres, ang trilogy action drama movie na pinagbibidahan ng Revilla brothers, sina Bryan, Jolo at Luigi.

SCENE: Si Richard Somes ang direktor ng episode ng Tres na tinatampukan ni Bryan at si Dondon Santos ang namahala sa mga episode na tinatampukan nina Jolo at Luigi .

SEEN: Hindi pa nagbibigay ng official statement si former Department of Tourism Secretary Wanda Teo sa pahayag ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano na proyekto niya ang kontrobersyal na Buhay Carinderia. Isiniwalat ni Cesar na kaibigan ni Teo si Linda Legaspi, ang organizer ng Buhay Carinderia na may budget na P320 million.

 SEEN: Si Nicole Guevarra Flores ng Pilipinas ang tinanghal kahapon na Super Sireyna Worldwide 2018, ang beauty contest ng Eat Bulaga para sa transgender women sa buong mundo. Mga kapwa Pilipino ang nagsasabi na hometown decision ang nangyari dahil hindi deserving manalo si Flores.

SCENE: First runner up sa Super Sireyna Worldwide 2018 si Miss Angola Immani Da Silva at second runner up si Miranda Lombardo ng Mexico. Si Da Silva ang gustong manalo ng karamihan sa mga nanood kahapon ng grand coronation ng Super Sireyna Worldwide 2018 ng Eat Bulaga.

SEEN: Pabonggahan ang mga hat na ginamit ng invited female guests sa royal wedding kahapon nina Prince Harry at Meghan Markle sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle.

SCENE: Disappointed ang LGBT community sa depiction ng mga gay sa kuwento ng Kasal ng Star Cinema. Sina Paulo Avelino at Ricky Davao ang gumanap ng gay roles sa Kasal.

Show comments