Kalahati ng populasyon sa MM, naka-digital terrestrial TV na – SWS, Pulse Asia

MANILA, Philippines — Higit sa kalahati na ng mga kabahayan sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT), ayon sa mga survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS.

Ayon sa Pulse Asia survey, 51% ng mga bahay sa Metro Manila ang may DTT box, habang 56% naman ang lumabas sa survey ng SWS. Kinakabit ang DTT box sa telebisyon para makakuha ito ng digital signal na naghahatid ng mas malinaw na palabas at mas mara­ming channel na mapagpipilian.

Sa buong bansa naman, 16% ng kabuuang bilang ng mga tahanan ang nagmamay-ari ng DTT box, ayon sa Pulse Asia. Samantala, 17% naman ang resulta sa SWS survey.

Kasabay ng pagdami ng mga tahanang may DTT ay ang pagdami rin ng bumibili ng ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ na nakabenta na ng limang milyong units noong May 3.

Inilunsad ang ABS-CBN TVplus noong 2015 at agad na tinangkilik para sa paghahatid nito ng malinaw na palabas, abot-kayang pay-per-view services, at libreng exclusive channels na walang buwanang bayad at installation fee. Malayo ito sa nakasanayang analog TV na malabo ang palabas at kakaunti lamang ang channels na napapanood.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tahanang may DTT dahil sa TVplus, nangunguna ang ABS-CBN sa pagsuporta sa pamahalaan upang maabot ang target nitong mailipat ang lahat ng mga manonood sa DTT mula sa analog sa taong 2023.

Simula nang ipakilala ang TVplus sa merkado, lumawak na rin ang signal coverage nito mula sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Ca­vite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao.

 Dumarami rin ang nanonood ng mga libreng exslusibong channel ng ABS-CBN TVplus.

Ang all-day movie channel nitong CineMo na ang ikatlong pinakapinapanood sa Metro Manila matapos nitong magtala ng average audience share na 7% noong Abril, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.

Kagaya ng CineMo, nadagdagan din ng mga sumusubaybay sa all-day children’s entertainment channel na YeY!. Ito na rin ang pinakaapat na pinakapinapanood na channel sa Metro Manila na may average audience share na 5%.

Show comments