Bea at Gerald maraming niloko?!

Hindi nga naman fair kung totoong ginamit ni Bea Alonzo ang paghihiwalay nila ni Gerald Anderson para sa promosyon ng Kasal. Kaya pala hindi niya maidiretso kung bati na sila o hiwalay pa. Unfair kay Gerald na never nag-comment sa isyu nila, kay Boy Abunda na nag-interview sa kanya at sa publiko na lumabas na niloko niya. 

Kaya naman nilang tatlo nina Derek Ramsay at Paulo Avelino na i-promote ang film nila, hindi na kinaila­ngang gamitin si Gerald.

Young JV dala-dala na ang pangalan ng ama

Bigla ang pagbulusok ng pangalan ni Young JV na ngayon ay may buo nang pangalan. Dala-dala na niya ang apelyido ng kanyang ama na isa palang retiradong opisyal ng sandatahang pwersa ng bansa na si Lt. Col. Eduardo “Red” Kapunan. Siya ngayon ay tumutugon na sa pangalang Young JV Kapunan na obviously ay itinago niya ng matagal na panahon para marahil mapangalagaan ang kanilang privacy.

Hindi man pinilit ng kanyang pamilya na magsundalo rin ang singer/composer, bumawi naman ito sa kanyang pag-aaral. Sini­guro niyang matatapos siya ng kolehiyo at nagawa niya matapos siyang mag-aral sa abroad pero, sa probinsya nila sa Iloilo siya nagtapos ng CommArts. Kasabay ng pagtataguyod niya ng kanyang karera sa showbiz ay ang pagtataguyod niya ng Lahing Bayani Foundation na tumutulong sa mga anak ng sundalo na namatay sa pagtatanggol sa bansa. 

Lilibot ng mga iskwelahan sa buong bansa si Young JV hindi lamang para ipromote ang mga bago niyang singles kundi bilang endorser ng Megasoft Hygienic Products. At 27 years old, kailan kaya tatanggalin ni Young JV ang Young sa pangalan niya?

Richard musical direktor na rin

Sa concert niyang RP10: Richard Poon’s 10th Anniversary Concert na magaganap sa Resorts World Manila sa May 18, maraming bagong makikita ang manonood. Ki­la­lang isang big band crooner si Richard pero, first time na makikita siyang sumayaw, at kahit hirap na hirap siya ay ta­la­gang pa­nga­ngatawanan niya na sumayaw sa kanyang concert na magtatampok sa isang 21-piece orchestra, at sa mga guest na sina Richard Yap, Christian Bautista, Erik Santos, Kean Cipriano, Nyoy Volante, mga ka-sessionista niya sa ASAP.

Para mailabas ang kanyang mga idea, pinayagan ang mis­ter ni Maricar Reyes sa hiling nito na siya na rin ang magsilbing musical director ng show. Marami ang hindi naka­ka­alam na bukod sa pagkanta ay isa ring composer at musical arranger si Ri­chard. 

Show comments