Napakasosyal hindi lang ng baby nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla kung hindi maging ni Mariel din. Mayro’n siyang yaya na tumutulong sa kanya sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Baby Isabela. At hindi ito nag-iisa, lima silang nagtutulung-tulong para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bata at maging ni Mariel.
Sa kabila nito, hindi pa rin maiwan-iwan ni Mariel si Baby Isabela sa kandili ng lima nitong yaya. Hands on pa rin siya sa kanyang anak. Naka-standby lamang ang mga yaya na may kanya-kanya namang assignment. May nagluluto ng pagkain niya, naglalaba ng damit nila, isa ang toka sa gabi, isa ang substitute kapag may absent. Ang ika-lima ang all around at all time trusted yaya ni Mariel.
Kailangang mapalaki muna niya ang anak bago niya muling maharap ang iniwan niyang trabaho sa showbiz.
Joross wala nang urungan ang pagdidirek
Napakaswerte naman talaga ni Joross Gamboa na matapos makilala at hangaan sa mahuhusay niyang pagganap sa mga role na ipinagkakaloob sa kanya ay bibigyan siya ng pagkakataon ni Neil Arce, isang prodyuser ng pelikula at current boyfriend ni Angel Locsin na maging direktor ng pelikula.
Ipagkakatiwala ni G. Arce sa aktor ang pagdidirek ng pelikula nila na pinamagatang Allergy In Love.
Isa itong comedy at kasama si Joross sa bumuo ng istorya. Tapos ng Mass Communication si Joross sa Southville University sa Parañaque City.
J.Lo naghahanap ng mga dancer na Pinoy
Nakaka-curious na malaman kung ano ba ang dapat asahan sa isang dance contest.
Marami na kasi ang naghahanda para sumali sa isang dance contest na patuloy na ipinag-iimbita ni Jennifer Lopez sa TV, ang World of Dance. Hindi lamang kasi kilala ang mga Pinoy sa pagkanta kung hindi pati na rin sa pagsasayaw. Marami sa mga ipinadadala nating mga contestant sa mga dance contest sa abroad, grupo man, pareha o solo act ay bumabalik ng bansa ng matagumpay.
Kaya makakaasa tayo na hindi pipitsugin ang mga mapapanood natin sa pakontes ni Jennifer Lopez, at darating ba siya dito?
Samantala, marami ang siguradong manonood ng Ignite dance concert ni Regine Tolentino na magaganap sa SM North Skydome sa May 26 dahil siguradong makakakuha sila ng mahahalagang tips at dance steps and moves na magagamit sa kanilang pagsasayaw. Maraming guest si Regine na malaking bonus sa mga manonood lalo’t pagsasayawin silang lahat – Sheryl Cruz, Andrea del Rosario, Ynez Veneracion, Gem Ramos, Cherry Lou, Sheree, Luningning, Mariposa, Saicy Aguila, Leah Patricio, Jenny Miller, Zeus Collins, at marami pa. Hindi si Regine ang toka sa choreography kung hindi si Egai Bautista ng Speed Dancers pero, sila ni Neil Lorenzo ang magkatulong na gumawa ng costume.