Sa sobrang bait, famous personality laging naiisahan sa datung ng assistant

Grabe, sa sobrang kabaitan ng isang famous personality madalas siyang maloko ng mga assistant niya.

At milyones ang halaga, hindi basta-basta.

Palibhasa ay mayaman si famous personality at madaling magtiwala sa kapwa as if lahat ng tao ay trust worthy, madalas siyang natatangayan ng datung na hindi niya namamalayan.

Too late na pag nadidiskubre niya.

Dahil pa rin sa kabaitan niya, hindi siya naghahabol ha. Hinaha­yaan niya lang. As if walang nangyari at nawalan siya ng milyones. Pinagpapasa-Diyos na lang niya dahil ayaw na lang niyang ma-stress at kunsumihin ang sarili.

Itong pinaka-huli ay malala. Gusto pang baliktarin ang kuwento ng assistant niyang nanloko ng kung ilang milyon. Sa sobrang tiwala niya hinayaan niyang mag-transact ito sa kanyang bank account.

Pero pinayuhan na siya ng mga kaibigan na ‘wag pairalin ang kabaitan at kasuhan para naman makuha niya ang katarungan.

Makakauwi na, Gary mas lumakas daw pagka-opera sa puso

Nagkakalakas na si Gary Valenciano at mas malakas na raw as of yesterday ayon sa misis niyang si Ms. Angeli Pangilinan at lalabas na sila ng hospital.

Hi all I just want to say thank you for all your love and prayers ! Gary is walking and the doctor said he would be 2-3 times stronger now that he had his bypass !! God is good! I love you all! We were allowed to go home tomorrow but we may extend ! Doctors said he could have dropped D but clearly God has other unfinished business with Gary! I love you all!!!! so so much”

French Filipino Film  ni Gloria Diaz tampok sa CANNES

Ipalalabas ang restored copy ng French-Filipino film na Cinq et la peau (Five and the Skin) starring Gloria Diaz, Bembol Roco, Philip Salvador at Joel Lamangan sa Cannes Classics ng ika-71 Cannes Film Festival sa May 14, 2018. Ang buong pelikula ay kinunan sa Pilipinas at itinampok sa Cannes ‘Un Certain Regard 36 taon na ang nakaraan.

Ang Five and the Skin ay tungkol sa kuwento ni Ivan, isang manunulat na nagbalik at nagpalibut-libot sa Maynila upang hanapin ang kanyang sarili.

Ang Direktor ng pelikula na si Pierre Rissien, na binansagang Man ng Cannes ay pumanaw noong nakaraang Mayo 5, 2018 lamang. Siya sana ang magpapakilala ng pelikula sa Cannes Directors ‘Fortnight. Siya ay isang Cannes Adviser, isang maimpluwensyang Cinephile at Cannes Film Scout bago siya namatay.

Si Rissien ay isa ring kilalang tagapagtaguyod ng Philippine Cinema at ang rason kung bakit maraming Pelikulang Pilipino ang nakakasali sa Festival de Cannes, kabilang na ang Insiang ni Lino Brocka. Dinadalaw din niya ang Pilipinas upang dumalo sa maraming mga kaganapan ng Film Development Council of the Philippines at ang huling bisita niya ay nangyari noong World Premiere Film Festival taong 2016.

Ian may pa-Mother’s Day

May pa-Mother’s Day tomorrow, May 13, si Ian Veneracion. Yup bukas na ang Ian in 3 Acts na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resort World Manila.

Tagumpay ang unang sabak ni Ian sa concert scene last April 21 sa Waterfront, Cebu, kung saan napabilib ang mga nanonood sa stunning visual imaginary projected on giant LED screens at nakita kung gaano siya kagaling bilang singer.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng major concert si Ian.

Tulad sa napanood sa kanya sa Cebu, kakantahin niya sa RW Manila concert ang ilang cover and original songs. Magpapakita rin siya ng husay niya sa paggigitara, pagpa-piano at ilang kantang may narrative tulad sa pelikula.

The show also feature ABS-CBN Star Music artist L.A. Santos, the Queen of Soul Jaya, Soul Princess Jona and master flutist Mr. Jong Cuenco & other special guests.

Tickets are available on-line at Ticketworld and BoxOffice at Resorts World Manila. IAN in 3 ACTS is produced by Dreamwings Production.

Show comments