^

PSN Showbiz

Gary bawal munang tumawa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Gary bawal munang tumawa
Gary V

PIK: Naglabas ng press release ang Regal na naka-5.5M daw ang kinita ng My 2 Mommies sa first day of showing nito  kamakalawa lang.

So far nga itong My 2 Mommies ang masasabing malakas na pelikula ni Paolo Ballesteros kung ikukumpara sa ilan pa niyang pelikula bukod yung Die Beautiful.

Pero happy na si Mother Lily lalo na si direk Eric Quizon na masaya sa magandang feedback sa naturang pelikula.

PAK: Sinagot ng isang staff ng direktor ang kuwento naming itinapon ni direk ang adobo na dala ng isang staff sa set na pinagsyutingan nila.

Sabi ng nakatsikahan namin staff ni direk, yung dati raw nilang kasamahan sa trabaho ang nagkalat ng kuwentong ibi­nato ni direk ang adobo na dinala ng isang staff sa set.

Kuwento nito, ang totoong nangyari raw ay super palpak daw itong staff na nagdala ng ulam sa set. Nairita na raw sa kanya si direk dahil hindi naman daw nakapag-deliver nang maayos sa trabaho niya. Kaya sinabihan daw ni direk na huwag nang bumalik sa shooting.

Pero bumalik daw iyung staff na iyun sa shooting na may dalang ulam para kay direk. Nang inabot daw kay direk yung ulam na nakalagay sa isang plastic container, ibinato raw niya ito agad dahil sa sobrang irita sa staff na iyun.

Sabi nung staff na nagkuwento sa amin, hindi na raw ti­ningnan ni direk kung ano yung ulam na iyun dahil sa ibinato na niya.

Pinulot naman daw agad nung nakatsikahan naming staff yung ulam at doon niya nalamang menudo pala. 

BOOM: Halos apat na buwan palang hindi pa puwedeng sumayaw si Gary Valenciano dahil sa kailangan pa niyang magpagaling nang mabuti pagkatapos niyang dumaan sa open heart surgery.

Kuwento ni Paolo Valenciano, mabilis naman daw ang recovery ng kanyang ama. Nung kamaka­lawa lang ay nakatayo na ito at naglalakad-lakad na raw.

Pero ang isa pa palang hindi pa puwedeng gawin ni Gary ay tumawa.

“Sabi ng doctors, laughing is not the best thing for him right now. So, we’re trying to keep Gab away from him. Kasi Gab always makes him laugh,” masayang pahayag ni Paolo.

Kapag tuluy-tuloy na raw ang paggaling ni Gary, puwede na raw itong kumanta after one or two months.

Ang hindi pa raw pala talaga puwede ay sumayaw. At least mga apat o limang buwan daw ang hihintayin bago siya makasayaw uli.

GARY V

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with