Naka-post pa rin sa Instagram (IG) ni John Lloyd Cruz ang video ng netizen na nagbi-video raw sa kanila ni Ellen Adarna sa isang lugar.
May caption na “Reciprocity” ang video post ni John Lloyd sa hindi kilalang netizen na mukhang alam na bini-video rin siya nina John Lloyd dahil nakatingin sa kanila, panay ang ngiti at noong una ay nagmi-middle finger pa. Tila hindi na bagets ang netizen at mukhang walang balak magreklamo at humingi ng public apology.
Hindi gaya sa kaso ni Eleila na menor de edad, kaya ang ina nito ang sumulat via Facebook at humihingi ng public apology para sa kanyang anak. As we go to press, wala pang balita kung susundin ni Ellen ang hinihinging public apology ni Myra Abo Santos para sa anak.
John nabawasan ng fans
Hindi pa man nagsisimulang umere ang first teleserye ni John Estrada sa GMA 7, pinababalik na siya sa ABS-CBN ng Kapamilya fans. Ni hindi pa nga mabanggit ni John ang title ng teleserye at hindi maibalita kung nagsimula na siyang mag-taping, pero heto at pinababalik na siya sa kanyang dating network.
Kaya lang, two years pa ang ipaghihintay ng fans ni John dahil two years exclusive contract ang pinirmahan nito sa GMA 7. Big project agad ang ibinigay kay John na bawal pang sabihin, kaya kahit si Willie Revillame na ang nagtanong nang mag-guest siya sa Wowowin, walang binanggit si John. Pero may lumutang na litrato sa socmed na kasama niya sina Eric Quizon at Maritoni Fernandez.
Habang hindi pa airing ang teleserye na kasama si John, naggi-guest muna siya sa shows ng GMA 7 shows kagaya sa Celebrity Bluff kung saan siya ang master bluffer. Nag-post si John at ang sabi, “I really love this show...nag enjoy talaga ako maging isa sa mga bluffers.” Sa post na ‘yun nag-react ang Kapamilya fans ni John, pinababalik siya sa ABS-CBN at ‘yung iba, in-unfollow siya sa IG.
Gary V bawal pang bisitahin
Very touching ang video post ni Angeli Valenciano kay Gary Valenciano na kinakanta ang Take Me Out Of The Dark na ayon kay Angeli, first Christian song na sinulat ni Gary noong 1986.
“We won’t hear him singing live for sometime but I know we will have him back onstage in no time at all. To God be the glory! #prayforgaryv.”
May tweet din si Angeli para sa fans ni Gary: “I want to reassure every1 that Gary is amazingly okay defying diabetes statistics. Only 1 vessel was blocked- the main left coronary artery but every other blood vessel was healthy after 39 years of diabetes. It was an open heart surgery so they cracked his ribs.”
Sa last update ni Angeli, bawal pang bisitahin si Gary at immediate family members pa lang ang puwedeng bumisita. In fairness, noong May 5, naoperahan si Gary at hanggang ngayon, wala pa kaming nababasa sa mga report kung saang hospital siya naoperahan.
Liza sa sinesaysay naman abala
Tama si Jaclyn Jose, busy si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño dahil katatapos lang ng presscon/launching ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, last Monday, ang presscon naman ng SineSaysay Docu Competition na ang FDCP din ang nasa likod ang pinuntahan niya.
Sa presscon, ipinakilala ang selection committee members na sina Mr. Tito Valiente, Mr. Teddy Co, Mr. Doy del Mundo, Mr. Rene Escalante at kasama nila si Liza bilang member.
Ipinakilala rin ang mentors sa Bagong Sibol Category na sina Ditsi Carolino, Joseph Laban, Monster Jimenez at Sheron Dayoc. Ang Bagong Sibol finalists ay bibigyan ng P100,000,00 seed money para sa kanilang 10-20 minute docu.
Finalists sa Bagong Sibol ang mga sumusunod: Ang Huling Kaharian ni Bryan Kristoffer Brazil; Mga Bayaning Aeta ni Donnie Sacueta; El Caudillo ni Khalil Joseph Banares, Patay Na Riles ni John Christian Samoy; A Memory Of Empire ni Jean Claire Dy; Dr. Jose N. Rodriguez-A Filipino Leprologists’ Journey ni Micaela Fransesca Rodriguez; Noong, Sa Aming Pagkabata ni Darlene Joanna Young, at Kachangyan Wedding Redux ni Lester Valle at Carla Ocampo.
Sa Feature Documentary Showcase, P1M ang ibibigay na grant sa apat na finalists: Untitled Project ni Cha Escala; Daan Patungong Tawaya ni Kevin Piamonte; Looter ni Jayson Bernard Santos, at Heneral Asyong ni Victor Acedillo.
Ang SineSaysay ay magkakaroon ng premiere screenings kasabay ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.