Hindi lang Tagalog Films ang apektado
Grabe, hindi lang sa pelikulang Avengers : Infinity War nababaliw ang Pinoy fans (na two weeks na pero pila pa rin sa maraming mga sinehan). Mabentang-mabenta rin ang concert ng mga international artist. Nauna na ang Incubus, Paramore, Fifth Harmony, Katy Perry, John Legend, Ed Sheeran, The Script, Harry Styles, nag-two nights sa MOA si Bruno Mars.
At pagdating ng June, si Niall Horan, former member ng One Direction ang hahataw.
Pawang jampacked ang venue ng mga foreign artist na nagtatanghal dito at nangunguna sa mga nanood ay ang mga singer din natin na nagbayad ng mahal na presyo ng ticket. Kaya, hindi lang ang mga movie producer natin ang nakakaawa sa nangyayari ngayon kundi maging ang local concert producer na hindi na kayang mag-produce ng concert sa Araneta Coliseum or MOA. At siyempre ang mga local singer natin na wala nang chance na matupad ang mga pangarap na makapag-concert sa malalaking venue.
Tanging sina Sarah Geronimo and Regine Velasquez ang nakakapuno ng malalaking venue.
Meron pang Celine Dion in July, two nights, na umano’y sold out na ang first night kahit pagkamahal-mahal din ng presyo ng mga ticket.
Paano na lang ang mga singer natin na hindi pa nakakatikim ng malalaking venue?
Anak nina Solenn at Paolo napagkamalang galing sa abroad
Magbubukas sa Wednesday ang dalawang Tagalog movie at sana naman ay magka-puwang na ang ito sa mga sinehan natin.
‘Wag nang ulit-ulitin ang panonood ng Avengers.
Showing sa Wednesday ang My 2 Mommies ng Regal Films and Squad Goals ng Viva Films.
At least ito sariling atin. Makakatulong sa ating industriya. Kahit hindi na masyadong kumikita, aggressive ang mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde.
In all fairness, sa trailer pa lang malakas na ang aliw factor ng My 2 Mommies.
Tungkol ito sa isang anak na naghiwalay ang mga magulang dahil sa kasarian ng kanyang ama. Bida sa pelikula sina Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff with Ms. Maricel Soriano directed by Eric Quizon.
Ang galing din ng gumaganap na anak nina Paolo and Solenn na si Marcus Cabais. Ingliserong bata na buong akala ni Tita Ethel Ramos ay kung saang bansa ipinanganak dahil nga slang slang kung mag-English. Kaya hindi siya nakatiis sa bagets nung mag-presscon last week. Tinanong niya. Laking gulat ni Tita Ethel nang sabihin ni Marcus na taga-Bataan siya. Eh bakit ganun siyang mag-English? Dinaig pa ang ibang estudyante sa mga exclusive school?
Sagot niya, natuto siyang mag-English sa YouTube.
Yup, sariling sikap sa tulong ng kanyang parents.
Ang husay niya sa movie trailer na napapanood sa TV at social media platforms.
Kuwento nga ni Direk Eric, nagpa-audition sila para sa nasabing role. At maraming dumating na bagets. “Meron pa dun isang bagets na sobrang galing din, nakakatawa. Pero iba si Marcus, pagdating niya nag-bonjour (hello in French) siya. Napa-react na agad kami,” recalls Direk Eric nang makausap namin.
At tama naman siya, ayon kay Direk Erik hindi sila nahirapang katrabaho ang bagets kahit first timer ito sa movie acting. Ang bilis daw nitong naka-adjust sa shooting at perfect choice bilang anak nina Solenn and Paolo sa movie.
Squad Goals target ang problema ng mga estudyante
Pang-bagets naman ang pelikulang Squad Goals na pinagbibidahan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid na gumaganap bilang mga college students na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na pwedeng magpatalsik sa kanila sa paaralan.
Ang Prince of the Dance Floor na si Julian ay Engineering student at may alyas na Young D bilang dance guru.
Si Vitto ay HRM student at varsity team captain at three-time MVP.
Ang Filipino-German Dan ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha niya ng mga gigs bilang DJ.
Si Andrew ay si Nat, ang class clown at best friend ni Tom.
Si Jack Reid ay si Pads, isang Mass Comm student na nagtatrabaho bilang part-time bartender, kaya antukin sa klase
At lahat sila may kanya-kanyang problema na kailangang resolbahin.
Alamin kung paano aayusin ng limang magkakaibigan ang gusot sa eskwela at kung paano nila suportahan ang isa’t isa sa mga personal na problema.
Dagdag excitement sa pelikula ang pagganap ni Ella Cruz, kasama sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil.