Kahit nandito lang
SEEN: Ang showdown kahapon nina Kakai Bautista at K Brosas sa Versus segment ng ASAP ng ABS-CBN. Magaling na singer si Kakai pero pinatunayan ni K na mas buo at powerful ang boses nito nang kantahin nila ang mga hit song ng Aegis.
SCENE: Si Miley Cyrus ang ginaya ng child actress na si Krystal Brimner sa pilot episode ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids noong Sabado. Almost perfect ang impersonation kay Miley ni Krystal na mapapanood din sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc.
SEEN: Kahit mga celebrity sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, may karapatan pa rin sila na magkaroon ng privacy na dapat igalang ng fans kapag nagpupunta ang dalawa sa mga restaurant o sa ibang lugar na pampubliko.
SCENE: Kahapon ang last shooting day ng Sid and Aya, Not A Love Story, ang pelikula ng Viva Films na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis. Sa May 30 ang tentative cinema playdate ng Sid and Aya.
SEEN: Nagtatrabaho bilang front desk officer ng Edsa Shangri-La Hotel ang former actor na si Benjamin Besa. Ang sumakabilang-buhay na talent manager na si Douglas Quijano ang discoverer at mentor ni Benjamin.
SCENE: Ang taping ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Baler, Aurora noong Sabado para sa bagong travel show niya sa Metro Channel (former Lifestyle Channel).
SEEN: Nadismaya kay Ben Tulfo ang fans niya dahil sa kanyang mga banat laban kina Mike Enriquez at Arnold Clavio. Nagalit si Ben dahil tinalakay nina Mike at Arnold sa radio program nila sa dzBB ang isyu ng placement of ads ng Department of Tourism sa television show ni Tulfo. Kapatid ni DOT Secretary Wanda Teo si Ben.
SCENE: Wala nang gaanong ingay ang pagbabalik sa Pilipinas noong Sabado ni Miss Universe 2017 Demi LeighNel Peters. Naririto sa Pilipinas si Peters para sa isang event bukas na pagsasamahan nila nina Pia Wurtzbach at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.