Ysa at Paulo may pag-asang maging KathNiel at LizQuen!
Hindi mo masisi kung bakit maraming kabataang lalaki ngayon ang nagnanais na makabilang sa grupo ng mga dancer na namamayagpag ngayon sa programang It’s Showtime. Maraming mga bagets na lalaki na nagsisimula ng kanilang pag-aartista ay galing sa grupong ito na pinangalanang Hashtags. Andyan na sina Zeus Collins na galing PBB, Jimboy Martin, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal, Jameson Blake, Jon Lucas, Ryle Santiago, Luke Conde, Ronnie Alonte at Paulo Angeles.
Kasama na rin sa mga original members na sina Bugoy Carino, Wilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron, Kid Yambao, Ray Carreon, at Vitto Marquez.
Marami rin sa kanila ay nakapagbida na kundi man sa mga pelikula ng Star Cinema, Regal Films, mainstream at indie movies ay sa mga programa ng Kapamilya.
Isa sa pinaka-huling inilunsad ng ABS-CBN sa pag-aartista ay si Paulo Angeles, isa sa mga orihinal na Hashtags. Gumaganap siya ng isang mahalagang role sa Araw Gabi nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Mayro’n din siyang sisimulang loveteam sa nasabing serye katambal ni Ysabel Ortega. Binigyan nga ni Boy Abunda ng pangalang YsaPau ang kanilang tambalan. At sa rami ng tumatanggap ng kanilang tandem, ngayon pa lamang ay nakikinita na magiging kasing sikat din sila ng Kathniel, LizQuen, JoshLia, atbp. ang YsaPau.
Anne inunahan pa ang mga pulitiko sa pagtulong sa Marawi
Maraming pumuri sa ginawa ni Anne Curtis na paglikom ng pondo para sa mga bata ng Marawi sa pamamagitan ng UNICEF.
Hindi lang siya nagbigay ng pera na nagmula sa sarili niyang bulsa, pumunta pa siya ng London at nagpakahirap sumali sa isang marathon dun bilang bahagi ng kanyang adbokasiya. Total na P1,014,498 ang na-raise niya, ang kalahati nito ay nagmula sa kanya.
Marami pa ring mga artista ang sumusuporta sa pagbangon ng Marawi. Sana ang gobyerno naman o mga pribadong organisasyon naman ang gumawa ng pangtapat nila sa pera na malilikom ng mga artista natin. Malaki na ‘yung nalikom ni Robin Padilla. Mas malaki ang maitutulong nito kapag natapatan.
- Latest