Not true na nawalan ng boses si Sarah Geronimo sa kanyang Las Vegas concert.
Ayon sa isang source, walang katotohan ang kumalat na text message kahapon na hindi nakakanta si Sarah sa kanyang show na bahagi ng kanyang This 15 Me US Tour.
Naging emotional lang daw ito kaya naiyak na rin ang fans na dumalo sa concert. Bagama’t kulang diumano sa pahinga, nairaos daw ang concert ng maayos pero nanghingi pa rin daw ng paumanhin si Sarah kaya naman mas lalo siyang minahal ng fans. “Sarah, we love everything about you. Your flaws, mistakes, your stories, your music, the whole of you, a part of you. No matter what it is, as long as it’s you,” tweet kahapon ng isang fangirl kung saan nag-trending ang hashtag na WeLoveYouSarahG.
Nanatili naman sa tabi niya si Mommy Divine na kasama ni Sarah sa buong US Tour.
Ito ang second concert nila for this week. Naunang nag-concert ang grupo sa San Francisco.
Sa Instagram post ni Mark Bautista na kasama sa kanyang tour, nagpasalamat siya sa mga nanonood sa kanilang Las Vegas concert though admitted nga sila na kulang sila sa pahinga bagama’t “Las Vegas maraming salamat! You were amazing! Thank you Lord for giving us the strength to Finish our second show this week w/o enough sleep! #This15me,” sabi ni Mark.
Pawang sold out ang This 15Me US tour ng grupo at dalawa na lang ang natitira, sa May 4 sa Chicago, Illinois and May 6 sa New York. May nauna pa silang dalawang concert Los Angeles last April 21 and CA, April 22.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng provincial tour at saka sasabak ang queen of pop sa concert tour sa iba’t ibang bansa sa Europe.
Bukod sa provincial tour, tatapusin din ni Sarah pagbalik ng Manila ang pelikulang Miss Granny na ang sabi ng isang Viva Films insider ay showing na sa August.
Goma kinilatis na si Marco?!
Cutest couple ang turing ngayon kina Juliana Gomez and Marco Gallo.
Si Marco ang naging prom escort ng dalaga nina Richard Gomez and Lucy Torres na nag-celebrate ng kanilang 20th wedding anniversary sa Spain.
“And find the place where every single thing you see tells you to stay,” ang Instagram caption ni Marco sa photo nila ni Juliana na naka-prom outfit.
Si Marco ang former screen partner ni Kisses Delavin na literal na iniyawan ni Kisses. “No, no, no! I wish him well, but no!” ang statement ni Kisses kung gusto pa niya itong makatrabaho pagkatapos ayawan ang partner. Sila ang naging loveteam matapos silang lumabas sa PBB House.
Pinopormahan nga ba ni Marco si Juliana o sila na?
Nauna nang nag-post si Marco ng “So emhh, what’s going on?” sa unang photo nila together ni Juliana.
Sa isang fan page ay lumabas na rin na naka-dinner na ang ex PBB housemate sina Mayor Goma and Rep. Lucy so we assume na walang problema sa side ni Juliana.
Single Mom wagi sa PGT 6
Hinirang na grand winner ng world class talent search ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent ang single mom na si Kristel De Catalina matapos talunin ang siyam pang mahuhusay na acts sa ginanap na Greatest Showdown ng programa noong weekend sa Bren Z Guiao Convention Center in San Fernando, Pampanga.
Para kay Kristel, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Tanging ang Panginoon at kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak ang naging sandigan niya para maipanalo ang kompetisyon.
“Maraming salamat po. Grabe po yung feeling, mixed emotions, hindi pa rin ako makapaniwala. Inspirasyon ko po yung anak ko at ang mahal ko sa buhay na naniniwala sa aking talento at siyempre ang panginoong Diyos na nagbigay sa akin ng talentong ito para manalo sa laban na ito,” saad ng pinakabagong grand winner.
Nakakuha si Kristel ng 99.67% na pinagsamang boto mula sa viewers sa text, online at sa judges at nag-uwi ng P2 milyong cash plus vacation package. Siya na ang ika-anim na grand winner simula ng ilunsad ang PGT at kauna-unahang solo female act na nag-uwi ng kampeyonato.
Nang tanungin siya kung saan niya balak gastusin ang napalanunan, sinabi niya, “I-invest ko siya sa pag-aaral ng anak ko. Pitong taong gulang pa lang siya at maraming pang paggastusan yung dalawang milyon na iyon,” pagpapaliwanag ng huwarang single mom.
Kasama naman ni Kristel sa Top 3 ay ang para dance sport athletes na sina Julius at Rhea na nakakuha ng 84.6% ng combined votes at judges scores at si Joven Olvido na may 79.05%.
Napahanga ni Kristel ang jampacked na Bren Z Guiao Convention Center dahil sa kanyang makapigil-hiningang aerial stunt at madamdaming spiral pole dance performance. Audition pa lang ay agad ng nakapasok sa semi-finals si Kristel matapos siyang piliin ni judge Vice Ganda bilang kanyang Golden Buzzer act. Nanguna naman siya sa botohan sa sumunod na round kaya nakuha ang inaasam na slot sa grand finals.
Nanatili ang Pilipinas Got Talent bilang isa sa pinakamatagumpay na talent-reality shows sa Philippine TV. Nagkamit ang palabas ng 37.5 % na national TV rating noong Sabado (Abril 28) at 39.7% na national TV rating noong Linggo (Abril 29).
Ang Pilipinas Got Talent ay pinangungunahan nina Billy Crawford at Toni Gonzaga kasama ang judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, and Vice Ganda.