Regal Baby kinoronahang Miss Eco International sa Egypt!

Miss Eco International 2018 Cynthia Thomalla

Win kahapon (Biyernes nang gabi sa Cairo, Egypt) na Miss Eco International 2018 si Cynthia Thomalla, ang Filipina-German Beauty queen na contract star ng Regal Entertainment Inc.

Ramdam ko na mabibigyan na ni Mother Lily ng pelikula si Cynthia pero depende ito sa schedule ng dalaga dahil sa mga bagong responsibilidad niya bilang Miss Eco International.

May kontrata rin sa Regal si Teresita Ssen Marquez aka WinWyn na hindi mabigyan ng movie project dahil siya ang reigning Reina Hispanoamericana. Kahit Manila-based si WinWyn, bigla siyang lumilipad sa Bolivia para sa duties niya.

Hindi pa mga international beauty queen sina WinWyn at Cynthia nang pumirma sila noong October 2017 ng kontrata sa movie outfit ni Mother na bahagi ng premyo nila bilang title-holders sa Miss World Philippines 2017.

Ali umaming botox beauty!

Nakakatawa ang sagot ni Ali Sotto sa anniversary presscon ng Dobol B sa News TV nang tanungin tungkol sa mga reaksyon ng mukha nila na napapanood sa TV kapag hindi sila naniniwala sa mga pralala ng kanilang mga iniinterbyu sa radyo.

Walang kiyeme na sinabi ni Ali na naka-botox ang mukha niya kaya no reaction siya.

In person, hindi mahahalata na botox beauty si Ali dahil ang ganda-ganda ng mukha niya. Hindi siya katulad ng ibang babae na hindi na gumagalaw ang mukha dahil sobrang alipin ng botox.

Love na love ni Ali ang radio program nila nina Mike Enriquez, Arnold Clavio at Joel Reyes Zobel kaya madaling-araw pa lang, gising na siya para mag-research at mapag-aralan ang mga isyu na kanilang tatalakayin.

Mapapakinggan sa DZBB at mapapanood sa GMA News TV hanggang alas-onse nang umaga ang Dobol B sa News TV.

Hindi tumatanggap si Ali ng mga acting offer sa TV dahil ayaw niya na maging unfair sa production na sure na affected ng kanyang stint sa DZBB.

Thankful and grateful si Ali kay Papa Mike dahil ito ang nagbalik sa kanya sa radyo kaya tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa big boss namin sa radio station ng GMA 7.

Mark nagprisinta talaga para maging kontrabida

Bukas na ang pilot telecast ng The Cure, ang drama suspense thriller primetime tele­serye ng GMA 7 na kapalit ng Sherlock Jr. na nagbabu sa ere noong Friday.

Parang isang big budgeted action movie ang trailer ng The Cure kaya inaabangan ito ng televiewers na naghahanap ng bagong putahe sa primetime television.

Sa totoo lang, ginastusan talaga ng GMA 7 ang malalaking eksena ng The Cure dahil ayaw na ayaw ng Kapuso Network na dinaraya ang loyal viewers nila.

Nagpatayo sila ng laboratoryo, dumayo sa malalayong lugar at nagpagawa ng life-size na gorilla para sa mga eksena ng The Cure.

Starring sa bagong primetime program ng GMA 7 sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Mark Herras, LJ Reyes, Jay Manalo at Jaclyn Jose.

Iniintriga si Mark na suporta na lang ni Jennylyn na dating leading lady at ex-girlfriend niya. Ang hindi alam ng mga tao, mismong si Mark ang nag-request na bigyan siya ng contravida role, for a change.

Co-star din sa The Cure si Ken Chan na buong ningning na itinanggi na bisexual siya. Napagbibintangan na gay si Ken dahil convincing ang acting niya bilang transgender woman sa dating programa niya na Destiny Rose. Hindi affected si Ken ng mga pang-iintriga tungkol sa kanyang sexual preference dahil mas kilala niya ang sarili.

Kaya sa susunod na ma-link uli si Ken sa mga male model, hindi agad dapat paniwalaan dahil may naninira lang sa kanya.

Show comments