^

PSN Showbiz

Aktor na nahuling nakikipaglampungan mas matanda, todo deny!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naalala ninyo ang na-blind item naming lampungan ng isang aktor at nakaparehang aktres sa taping ng isang soap? Nakarating sa aktor na pinag-uusapan sila ng staff, kaya busy ito ngayon sa pagde-deny sa mga nagtatanong na walang romantic relationship na namagitan sa kanila ng aktres, kundi friendship.

Kaso, ayaw maniwala ng mga kina­kausap ng aktor dahil nakita nila kung paano mag-PDA ang dalawa na para bang walang ibang tao sa kanilang pa­li­gid. Mas maniniwala ang tao kung aa­minin ng aktor na nagkaroon sila ng fling ng aktres.

Pero dahil magkasama ang aktor at aktres sa isa pang show ng network, magkikita sila kaya may posibilidad na ‘yung fling ay mauwi sa totohanang relasyon. Sana lang, walang masagasaang ibang tao ang dalawa at walang masaktan ituloy man nila ang obvious na malakas na atraksyon sa isa’t isa. Never mind kung older ang aktres sa aktor.

Gil ginagaya si Harry styles

Sabi ni Gil Cuerva sa presscon ng My Guitar Princesssi Harry Styles formerly of One Direction ang peg niya sa role niyang si Elton Smith sa musical rom-com series ng GMA-7. Bakit kaya hindi na lang ginawang Harry ang name ng karakter ni Gil? Mas bet ito ng younger viewers kesa Elton na obviously, ga­ling sa pangalan ng British singer na si Elton John.

Lahat kasi ng karakter ng My Guitar Princess ang pangalan ga­ling sa foreign singers, kaya si Gil ay si Elton.

Anyway, abangan at kakanta si Gil sa show at isa sa kakantahin niya ang Is It Love? na kinanta ni Julie Anne San Jose sa presscon. Kinuhang voice coach ni Gil at ng production ang singer na si Thor, kaya kahit hindi singer si Gil in real life, dito sa My Guitar Princesskakanta siya bilang isang Pop idol ang role niya.

Nag-acting workshop din si Gil after ng My Love From the Star kina Ana Feleo at New York based acting coach Anthony Vincent Bova, kaya mas kampante at komportable siyang umarte ngayon.

Bonus sa fans ni Gil na nag-i-expect na makita ang hubad niyang katawan, may topless scene siya. Kung anong episode, aba­ngan n’yo na lang simula sa pilot ng musical rom-com series sa May 7.

Dream ni Gil na makatrabaho ang isa sa TOTGA girls na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos sa mga susunod niyang project sa GMA-7. Sa tanong kung ayaw niyang sabay-sabay niyang makatrabaho ang tatlo? “Why not?” ang sagot ni Gil.

Mark paborito ng GMA

Ang ganda ng ngiti ni Mark Herras nang biruin naming sunud-sunod ang shows niya sa GMA-7 dahil pagkatapos mag-guest sa Contessakasama siya sa cast ng The CureAkala tuloy paborito ng network si Mark dahil nga hindi nababakante at kung mabakante man, hindi rin nagtatagal.

Heto pa, sa The Curesa kanya ibinigay ang role ni Darius, kontrabida siya rito, ibig sabihin, naniniwala ang network na kaya na ni Mark ang character roles.

“Gusto ko ang role ko rito, tama lang dahil gusto kong ma-challenge kaya nang sabihin sa akin kung ano ang magiging role ko, hindi ako nag-second thought. Never pumasok sa isip ko na bakit hindi ako ang bida, bakit si Tom Rodriguez para kami sana ni Jen (Jennylyn Mercado) ang magkapareha. Tinanggap ko ang role at nag-training ako para hindi mabigla sa action scenes. Maganda ang feedback ng tao sa The Cure, no regrets na mapapanood ako na isang kontrabida,” sabi ni Mark.

Bukas na, after ng 24 Oras ang simula ng airing ng epidemic drama sa direction ni Mark Reyes.

Tinanong pala namin si Mark kung lilipat sa ibang network ang GF niyang si Teresita “Winwyn” Marquez? “Hindi, asa pa sila,” ang sagot nito.

Paolo, ayaw pa ring umamin kahit nagladlad na

Ang saya ng interview kay Paolo Ballesteros, kahit anong husay ng tanong ng mga reporter na may aminin ito, kanyang nalulusutan. Example ng tanong, sino ang favorite singer niya? Ang sagot nito, si Regine Velasquez na alam nating mara­ming beki fans ang favorite si Songbird.

“Kay Regine pa lang alam n’yo na,” biro ni Paolo.

Favorite actresses niya sina Nora Aunor, Maricel Soriano na alam din nating mahal ng mga beki. “Pero wala pa rin akong aaminin,” hirit ni Paolo.

Ang kwento nito, ang napanalunan niya sa isang painting contest na P500 pesos, ginamit niya para mapanood ang The Flor Contemplacion Story at nilibre niya ang sister niyang tomboy naman.

As for Maricel, sobrang tuwa ni Paolo na nakasama niya ang aktres at idolo sa Regal Films movie na My 2 Mommies na showing sa May 9. First scene nila, na-starstruck siya at kailangan i-call ang attention ni direk Eric Santos na nagsu-shooting sila.

GIL CUERVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with