JM ayaw dyowain si Angelica!

JM at Angelica

Dahil pareho sila ni Julio Diaz na nalulong sa ipinagbabawal na gamot kung kaya muling na­bubuhay ang isyu na kinasangkutan ni JM de Guzman ng dalawang ulit. Ang pagkakaiba lamang nila ay kung nahuli ang mas nakatatandang aktor sa isang buy-bust ope­ration ay kusa namang isinuko ni JM ang kanyang bisyo at ninais na makakawala sa kanyang addiction.

Hindi madali dahil nabigo siya sa kanyang unang pagtatangka. Pero, sa ikalawang pag­kakataon ay mas nanaig ang pagmamahal at panga­nga­ral ng mga nagmamalasakit. Pero muling nagkamali.

Pero ngayon, malinaw na patungo na siya sa tuluyang paggaling. At kung pangangatawanan niya, hindi mabigat ang kinakaila­ngang buwanang pakikipagkita niya’t pakikipagniig sa grupong tumutulong para sa tuluyan niyang paggaling. Pero, hindi man niya feel na may karapatan siyang magbigay ng payo kay Julio, sinabi niya huwag nitong sarilinin ang problema.

Kung si JM ay nakabalik sa kanyang normal na buhay sa tulong ng mga nagmamahal at nagmamalasakit, pwede rin ito sa mga kapwa niya nag­bisyo na gusto ring makaahon sa kanilang kinala­lagyan.

Napakaraming nagmamahal sa kanya, pangatawanan niya ang sinabi niyang hindi niya na sila iiwanang muli,

Samantala, sa grand launch ng comeback TV series niyang Araw Gabi ay sinabi ni JM na pagka­kaibigan pa rin ang namamagitan sa pa­gitan nila ni Angelica Pa­nganiban.

Ang pagpapadala dito ng bulaklak ay isang pagkilala sa kanilang friendship. Maski na ang napaka-sexy niyang partner sa Araw Gabi na si Barbie Imperial ay hindi nagrehistro sa kanya bilang isang girlfriend kundi bilang isang bagong artista na nanga­ngarap sumikat at makapagbigay ng isang natatanging pagganap.

Kaya all out ang support niya rito. Kung siya ay natatakot sa kaseksihan ng serye nila, lalo na siguro ang leading lady niya na first time sumalang sa isang seksing serye. Pero, sa tulong ng maraming workshops, nasasanay na sila.

 Kris ayaw sa bading?!

Bakit ba isyu kung bakla man o hindi si Bimby Aquino? Dahil ba malamya magkikilos ang bunso ni Kris Aquino ay bakla na agad ito?

Tandaan na lumaki ito sa kanyang ina at salat sa kabruskuhan ang kanilang tahanan. Ayaw ba ni Kris ng anak na bakla, kahit pa sa buhay niya ay marami siyang nakapiling, naging kaibigan at kasamahang bakla?

Sana ay tigilan na niyang makipag-away. Ob­viously, mas kampi ang marami sa mga nakakaaway niya, bakit kaya? Tuloy, sinasabi ng lahat na bitter siya sa kinahinatnan nila ng ex-husband niya.

Dapat din tigilan na niya ang pagpapaliwanag tungkol sa Crazy Rich Asians, ang importante ay nakasama siya sa movie.

Concentrate on the film she’s doing na baka sa halip na matulungan ng presence ng JoshLia ay maapektuhan pa ng hindi maganda dahil sa pag-iingay niya.

Do it, Kris, for yourself and for your many followers na hindi pa umaalis sa tabi mo.

Aga naging in demand uli

Hindi namamalayan ng lahat pero dalawang pelikula ang gagawin ni Aga Muhlach at parehong sa ibang bansa ang shoot.

Ang movie nila ni Alice Dixson ay sa Greenland, Denmark ang location samantalang sa Vancouver, Canada naman ang shoot ng movie nila ni Bea Alonzo.

Aga has to complete his films ng madalian dahil kung hindi ay baka magka­patung-patong ang mga ito. Ganun ka-in demand ngayon ang matagal na namahi­ngang aktor.

Show comments