DD sa TV, gagawin nang 24 oras?!
Naka-one year na pala ang Dobol B sa News TV.
Yup, parang kailan lang nang ilunsad ng GMA 7 ang mga programa nina Mike Enrioquez, Arnold, Clavio, Joel Reyes Zobel and Ali Sotto sa DZBB at GMA News TV (Radyo na, TV pa) from 6:00 AM to 11:00 PM.
Siguro kasi hindi nila namalayan at maging ng listeners ang mabilis na takbo ng panahon dahil nag-eenjoy ang apat na host ng programa. Kaya naman nagpapasalamat sina Mike, Igan, Ali and Joel.
May kasamang seryosong balita, tawanan, kantahan at opinion ang format ng kanilang programa.
At ayon sa survey ng Neilsen Radio Audience Measurement, sila ang no. 1 sa weekday morning time block.
May hint yesterday si Mr. Mike na baka maging 24 hours ang Radyo na, TV pa pero ayaw niyang i-confirm.
“Ilang oras ba sa loob ng isang araw? Ayaw muna naming magsalita tungkol dito pero soon makikita ninyo ang changes sa Dobol B sa News TV,” sabi kahapon ni Mike sa presscon ng para sa anniversary nila.
Actually maraming naaaliw sa mga portion nila lalo na sa Sino?, Jeng-Jeng at Balitawit.
Meron silang mga programang Saksi sa Dobol B, Super Balita sa Umaga Nationwide at Dobol A sa Dobol B.
“Nagpapasalamat kami sa mga tumatangkilik sa mga programa namin tuwing umaga. Masaya lang kasi kami sa programa. Fun, fun, fun kami sa aming ginagawa. Basta mahal mo ang ginagawa mo, masaya kayong magkakasama, parang hindi ka nagtatrabaho!” katwiran ng veteran broadcaster na Mike.
At wala pala silang script sa ginagawa nila. Kanya-kanya sila ng kayod. Kaya madaling araw pa lang, gising na raw sila para mag-update ng mga hot issues para oras na pag-usapan nila ‘yun, hindi sila magkalat. Yup, maging ang kanilang pang-jeng jeng ay kanya-kanya sila ng isip ng topic.
Sa case ni Ms. Ali, siya pa ang nagmi-make up sa sarili.
Kung ano ang hot item ‘yun ang pinag-uusapan nila. Pero base sa observation, pinaka-mabenta talagang portion nila ang Sino? ni Arnold C.
Ayon kay Igan, maging sina Mike, Ali and Joel ay hindi niya sinasabi kung sino ang subject ng kanyang bline item na kadalasan ay artista o pulitiko. Minsan naman super give away na so nahuhulan na lang nila.
Dahil sa nasabing mga blind item, marami na silang natatanggap ng libel and physical threat. Pero hindi sila takot dahil nga ayon kay Igan, ramdam niya na tama ang mga natatanggap niyang kuwento sa kanyang sources.
Natanong din uli si Arnold kung nag-usap na ba sila ni Karen Davila matapos niyang sagutin ang parinig nito sa kanilang programa dahil nga issue noon ng press freedom.
Feeling niya kaibigan naman niya si Karen dahil matagal silang nagkasama sa GMA News at may talephone number siya rito kaya imbes na mag-post sana sa social media kung may puna siya sa programa nila, kinausap na lang daw sana siya.
“Wala na ‘yon. Nagpaalala lang ako. Kasi kapag kapwa mo broadcast journalist, dapat magrespetuhan. Huwag kang post nang post. Tinext ko nga siya,” comment ni Mr. Clavio. Pero hindi raw ito nag-reply.
Iba naman ang analysis ni Ali Sotto : “Ang madalas naming experience, hindi naman nila napanood personally, or napakinggan mismo. ‘Yung saling-bibig? Tapos magri-react sila sa social media pa? May number ka ni Arnold? Tanungin mo di ba?
“’Yung Balitawit na ‘yon is about media persecution. Pinost ko ‘yung lyrics. Siyempre may mang-iintriga kasi GMA kami, ABS sila. Ganoon lang siguro. May nagsimula lang siguro. Pero pangkalahatan ‘yon!” katwiran pa ni Igan.
Anyway, malalamn sa darating na mga araw kung magiging walang tulugan na rin ang Doble B sa News TV.
Glydel naloko ng on line seller
Na-scam pala si Glydel Mercado ng isang online seller. Nag-order daw siya ng projector pero hindi ito na-deliver.
Marami kasi ngayon, online shopping lang ang ginagawa. Pero ‘yun nga lang, mas risky dahil may chance na maloko ka.
“Warning!!! Dont order any product from this website!This is a BIG SCAM!
“I ordered a product from them( a projector)last Jan 2018 and havent received my order but I already paid for it thru my credit card, I keep updating them thru my email and even gave me a tracking number but they keep sending an automated answer, and I messaged them again last week and now they’re not answering my messages, What a waste of time and money!
“You can type Brainiacs Shop Review in your google bar and you will see many complaints from customers like what happened to me,Thanks!
“Please Spread these so people can be warned! Thanks!”
Kaloka, I’m sure malaki-laking halaga rin ‘yung natangay ng manloloko sa asawa ni Tonton Gutierrez.