Boracay binabantayan na agad ang pagbubukas

Gumanda ang Boracay island sa paningin ko nang mawala ang libu-libong turista dahil sa pagpapasara ng gobyerno sa isla na kailangan ng pahinga.
Anim na buwan na isasara ang Boracay pero ngayon pa lang, marami na ang mga artista na nagpaplano na magbakasyon sa isla kapag nagbukas na ito.
Masuwerte ang mag-dyowang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil nakita nila ang true beauty ng Boracay sa huling araw na bukas ito sa mga turista.
Hindi ko naman ma-take ang mga informal settler sa Boracay na umiiyak dahil pinapaalis na sila sa kanilang mga tahanan na illegal ang pagkakatayo. Malaki raw ang kanilang nagasta sa construction ng mga bahay nila.
Alam n’yo naman na hindi kayo ang may-ari ng lupa, bakit kayo nagpatayo ng bahay sa ari-arian na hindi sa inyo? Tapos, iiyak-iyak kayo?
Bagay sa mga crying informal settler ang sinabi ni Maricel Soriano sa mga artista na active sa social media at biktima ng bashing, “Magdusa kayo! Ginusto n’yo ‘yan!”
Miguel ang lakas magpasaya
Parang nanalo sa lotto ang kasama ko sa bahay na si Mel Balili at ang kanyang anak na si MJ habang hinihintay nila ako sa gazebo ng GMA 7 dahil nag-attend ako sa presscon ng My Guitar Princess noong Huwebes.
Tuwnag-tuwa ang mag-ina dahil nakita nila nang personal si Miguel Tanfelix, ang Diego sa kanilang favorite primetime teleserye sa GMA 7, ang Kambal, Karibal.
So happy si Mel dahil ang bait-bait daw ni Miguel dahil pinagbigyan nito ang photo op request nila ng kanyang anak.
Addict na addict sa Kambal, Karibal ang mga kasambahay ko dahil hindi sila puwedeng abalahin sa panonood kapag umeere na ang kanilang number one favorite teleserye.
Alam na alam nila ang kuwento ng Kambal, Karibal, pati na ang pangalan ng lahat ng mga karakter ng show.
Si Miguel ang pangalawang star ng Kambal, Karibal na nakita nina Mel at MJ. Isinama ko rin sila sa presscon ni Alfred Vargas noong nakaraang Sabado kaya nagpa-picture rin ang mag-ina na kasama si Allan ng Kambal, Karibal.
Hindi lang ang mga kasambahay ko ang hibang na hibang sa top rating program ng Kapuso Network. May nagkuwento sa akin na pati ang GMA 7 news reporter na si Mariz Umali, hindi muna umuuwi ng bahay kapag nasa studio siya ng GMA 7 dahil tinatapos muna niya ang panonood sa Kambal, Karibal.
Mike napisil na most trusted radio presenter
Congrats kay Papa Mike Enriquez ng Dobol B dahil siya ang pinarangalan na Most Trusted Radio Presenter sa pangatlong pagkakataon sa 2018 Reader’s Digest Trusted Brand Award.
Ang parangal na natanggap ni Papa Mike ang patunay na pinagkakatiwalaan siya ng mga Pilipino bilang isang credible na broadcaster.
Ang hindi matatawaran na kredibilidad ni Papa Mike ang dahilan kaya nangunguna ang radio prog ram nila nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa dzbb at ang news program nila nina Mel Tiangco at Vicky Morales, ang 24 Oras.
Reader’s Digest awardee din si Jessica Soho, ang Most Trusted TV News Presenter. Ang mataas na ratings ng Kapuso Mo Jessica Soho at ng State of the Nation ang matibay na pruweba na pinagkakatiwalaan si Mama Jessica ng sambayanang Pilipino. Congrats mga Kapuso sa mga parangal na ipinagkaloob sa inyo ng Readers Digest.
Paolo hinihintay gawin ang mukha ni Maricel
Marami na ang naghihintay sa make up transformation ni Paolo Ballesteros bilang Solenn Heussaff, ang leading lady niya sa My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc.
King of Transformation si Paolo dahil sa talent nito sa make up transformation kaya confident ako na makokopya niya ang mukha ni Solenn.
Masusubok ang galing ni Paolo sa make up transformation kapag nagaya niya si Maricel Soriano.
Type ni Maricel na kopyahin ni Paolo ang mukha niya at malaking hamon ito para sa King of Transformation dahil parang mahirap kopyahin ang itsura ng Diamond Star.
- Latest