Mga bading na ninang ng bunso ni Pokwang nilalait-lait!

Malia at Pokwang

Hindi pa man nagkakaro’n ng sapat na pag-iisip ang anak ni Pokwang at Lee O’brien na nagngangalang Malia ay sinisimulan na itong pakialaman ng mga netizen. Buti na lamang at hindi siya mismo kung hindi ang mga kinuhang godparents sa kanyang binyag ang pinapansin ngayon ng netizen.

Kabilang na dito sina Lassy at Chocoleit na mabuti na lamang ay hindi nagpapaapekto sa pang-iintriga ng tao at minemenos ang kakayahan nilang maging mabuting panga­lawang magulang ng inaanak nila. Matagal nang kaibigan ni Pokwang ang dalawa kaya nakasisiguro siya na magiging mabuti ang dalawa sa kanyang bunso.

Showbiz personalities na kakandidato, parami nang parami

Habang nalalapit ang halalan ay lalong dumarami ang bilang ng mga taga-showbiz na gustong lumahok sa pulitika, at nag-file na sila ng kanilang certificate of candidacy para sa ba­rangay elections at sa darating na national elections.

Bakit kaya? Hindi naman ako naniniwalang ser­bisyo ang layunin nila.

Kahit nasa showbiz sila ay makapagbibigay naman sila ng serbisyo sa publiko. Ang da­ming showbiz personalities ang gu­­magawa nito at hindi nila ito ipinangangalan­dakan. Ano ba ang atraksyon ng pulitika sa mga taga-showbiz at kahit marami ang napariwara sa kanila ay patuloy pa rin ang pagtangkilik nila dito? Maging ang ilang kasamahan ko sa panulat ay naengganyo na ring kumandidato. One colleague even asked for my advice sa gagawin niyang pagtakbo at kahit anong pag-discourage ko sa kanya ay hindi siya nakinig.

Mukhang mas namayani ang magandang kita na tatamuhin niya bilang kapitan o kagawad ng barangay at ang kapangyarihan na ibibigay nito sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk.

Bayani in demand na naman

Mahirap talagang mai-off camera ang isang ma­husay na talento na tulad ni Bayani Agbayani na bagaman at may mga show sa ABS-CBN na napapakita ng kanyang galing sa pagpapatawa tu­lad ng Funny Ka Pare Ko katambal ni Karla Esrada sa Cineko at Sana Dalawa Ang Puso bilang sidekick ni Richard Yap pero, sa programang I Can See Your Voice lumalabas ang kahusayan niya sa comedy. Madalas nga nasasapawan niya ang mga kasamahan niyang Sing-vestigator na sa halip na makipagkumpitensya sa kanya ay sinususuportahan na lamang ang mga gimik niya.

Parang ngang overdue na ‘yung award niyang Best Actor in a Comedy Program sa 25th KBP Gol­den Dove Awards. Kaya rin siguro na bukod sa mga tumatakbo niyang programa sa TV ay may movie siyang gagawin. Mayrun din siya single na nakatakdang lumabas any time now. Tapos mana­ger pa niya si Boy Abunda, paano pa siya ma­dede­hado?

Show comments