^

PSN Showbiz

Utol ni James mahina sa babae

Pilipino Star Ngayon
Utol ni James mahina sa babae

MANILA, Philippines — Lampas three decades na ang lumipas matapos maipalabas ng Viva Films ang Bagets noong 1984 na nagmarka sa larangan ng pelikula para sa mga kabataan.  Gayunpaman, ang mga tema tulad ng pagiging adventurous ng mga kabataan, ang kagustuhang manatiling totoo sa sarili at magkaroon ng sense of belongingness, ang hindi bumigay sa harap ng mga pagsubok sa pag-aaral, relasyon, at pamilya, at ang katuwaang maranasan ang mga ito kasama ng mga tunay na kaibigan ang tema ng Squad Goals na handog ng Viva Films ngayong summer sa direksyon ng multi-awarded filmmaker na si Mark Meily

Ito ay pinagbibidahan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid bilang mga college students na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na pwedeng magpatalsik sa kanila sa paaralan. 

Ang Prince of the Dance Floor na si Julian Trono (na bumubuo ng love team na JulianElla sa pelikulang Fangirl, Fanboy) ay si Benj, Engineering student at may alyas na “Young D” bilang dance guru.  Nililihim niya ang kanyang mga YouTube dance videos dahil tutol ang kanyang ama dito.  Kinuha niya ang Engineering para makatulong sa kanilang negosyo. 

Si Vitto Marquez ay si Tom, HRM student at varsity team captain at three-time MVP.  Masyado siyang nakatutok sa kanyang nobya na tinuturing na “It Girl” sa eskwela.  Ang ama ni Tom ay isang retired basketball player at artista naman ang kanyang ina.  Sa tunay na buhay, si Vitto ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno

Ang Filipino-German Dan Huschka ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha niya ng mga gigs bilang DJ.  Alam niyang anumang oras ay pwede siyang isama ng kanyang ina sa Germany para makita ang kanyang ama, kaya pinipigilan niyang mapa­lapit nang husto sa kanyang mga kaibigan.  Ngunit meron siyang isang babae na nagugustuhan. 

Si Andrew Muhlach ay si Nat, ang class clown at best friend ni Tom.  Ang kanyang ama ay isang driver, at ang kanyang ina ay kasali sa networking business.  Ngunit kung anong bilis niya sa kalokohan, ‘yon naman ang bagal niya sa pagpapakita ng kanyang pagkagusto sa isang babae.  Sa tunay na buhay, si Andrew ay kapatid ng original “Bagets” superstar na si Aga Muhlach.

Si Jack Reid ay si Pads, isang Mass Comm student na nagtatrabaho bilang part-time bartender, kaya antukin sa klase.  Siya ay pinanganak at lumaki si Australia at baluktot pa ang dila sa Tagalog.  Tinuturuan siya ng isang dalaga na parang hindi apektado sa kagwapuhan niya.  Sa pelikulang ito, nais ni Jack na mapansin siya dahil sa kanyang mga kakayahan at hindi lang dahil siya ay kapatid ni James Reid. 

Alamin kung paano aayusin ng limang magkakaibigan ang gusot sa eskwela at kung paano nila suportahan ang isa’t isa sa mga personal na problema. 

Dagdag excitement sa  pelikula ang pagganap ni Ella Cruz, kasama sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil.   

Palabas na ang Squad Goals sa mga sinehan sa May 9, 2018. (FERLIN B.)

BAGETS

JACK REID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with