MANILA, Philippines — Nakatanggap na naman ng bagong parangal mula sa 2018 Philadelphia Independent Film Awards (PIFA) ang award-winning independent actress and 2018 Star Magic member na si Anna Luna dahil sa natatangi niyang pagganap bilang si Iah Seraspi na naging topnotcher sa Licensure Exam for Teachers sa independent film ni Lem Lorca na Maestra. Ito ang dahilan kung bakit siya nakakuha ng Best Actress nomination sa nabanggit na award-giving body.
“Nashock siyempre. Tina-try talaga nilang iikot ang movie kung saan may mga festivals.,” kwento ni Anna.
Dagdag pa nito, “Hindi ko naman siya iniisip na sobra pero siyempre masaya po dahil napansin ulit ang mga Pinoy.”
Masayang masaya rin si Anna dahil hindi lang siya ang nakatanggap ng mga parangal kundi pati na rin ang kanyang mga colleague.
Maliban sa pagiging nominado niya sa category ng Best Actress, ilalaban din ang Maestra sa Best Foreign Film category, habang ang kanya namang direktor at co-star na si Gloria Sevilla ay parehong nominado sa category ng Best Director and Best Supporting actor categories.
Tungkol ang drama film sa istorya ng tatlong guro na nagsusumikap para maengganyo pa ang maraming tao at kabataan na magkaroon ng edukasyon.
“Feeling ko ang makikita dito ay kung paano magpursige ang isang tao talaga na walang kahit anong balakid ang makakapigil sayo, dahil kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay magagawa mo,” paliwanag niya tungkol sa kung bakit patuloy pa ring gumagawa ng ingay ang kanilang pelikula sa international scene.
Makakalaban ni Anna sina actresses Keniesha Robinson, Margherita Mannino at Catalina Lavalle para sa Best Actress trophy in PIFA.
Layunin ng PIFA, na nagsimula noong 2015 ay ang makilala ang talento at maipakita kung ano ang kayang gawin ng mga independent filmmaker.
Matapos niyang gumawa ng pangalan sa indie scene, sinubukan naman ni Anna ang mainstream realm. Kasalukuyan siyang kasama sa Kapamilya Gold soap Hanggang Saan at ngayon ay naghahanda na rin siya para sa final theater run ng kanyang hit movie na Changing Partners sa PETA Theater sa susunod na buwan.