Kaya binalikan ang droga, Julio naimpluwensiyahan daw ng demonyo

Julio

Wala ring kadala-dala ang actor na si Julio Diaz.

Nahuli na naman siyang nagdo-droga matapos ang isang buy bust operation kahapon ng umaga sa Bulacan.

Sumuko na siya noon dahil natakot sa Ope­ration Tokhang pero ayan na naman. Literal na ‘di na natuto.

May karapatan naman talagang mainis ang mga tumulong sa kanya nung 2016 kung saan maraming kasamahan niya sa showbiz ang nangalap ng malaking halaga para mairaos ng aktor ang operation sa brain aneurysm. Pero nawalan nga naman ng silbi ang ginawa nilang pagmamagandang loob dahil tuloy pa rin pala ito sa pagdo-droga.

Sabi ng aktor sa  interview ng ABS-CBN.com, na may mga nagdatingan na mga demonyo kaya siya natukso. “May nagdadatingan na demonyo, natukso. Tumigal na ako talaga, it so happened na ganito. Natukso, tukso talaga.

“Kung maaari tigilan na natin ito talaga. Ayaw ko na talaga. Ayaw ko na itong pakiramdam na ganito na umaabot sa ganito. Ako lang naman ay gumamit lang kung minsan at bakit itong kung minsan na ito ay bakit naging demonyo talaga, tukso,” sabi niya sa interview.

May magtiyaga pa kayang tumulong sa actor sakaling may mangyari uli sa kanya?

Kris matindi ang buwelta sa happy birthday ni James kay Bimby!

Pinagbibintangang gustong tapatan ni Kris Aquino ang balitang pakakasalan na ni James Yap ang partner niyang si Michela. Magdadalawa na ang anak nina James and Michela.

Kahapon kasi ay nagpakawala ng maanghang na mga akusasyon si Ms. Kris laban sa dating asawa bago pumirma ng movie contract sa Star Cinema.

May konek ang kanyang umuusok na galit sa dating asawa sa ginawa nitong pagbati ng happy birthday sa anak nilang si Bimby na “Happy birthday Bimb! I miss you and think about you everyday. Alam ko na ang tagal na natin di nakapagspend ng time together, at di nagkikita, but i want you to know that I’m always here for you. I will always be your papa. I hope you enjoy your birthday!”

Simula ng galit ni Kris : “Nga­yon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo “nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.” UTANG NA LOOB... flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil “pinagkakait” ko si Bimb sa yo... Ay oo nga pala, of course pinagaksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya....

Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang “excuse” mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school... Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing. When Bimb saw the post na BINASTOS sya na “baklain” sya, he shrugged it off & said: “Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?” Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo... Eh humirit ka w/ your birthday post. So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple- wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming “power” so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky... you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS. I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth. #lookwhatyoumademedo,” ang buwelta ni Kris na pinag-isipan ng ibang followers na baka nga part lang ito ng kanyang campaign para sa kanyang ini-endorsong sabon dahil tinapos niya ito sa pagpo-promote.

Dingdong, Herbert at Robin lumutang ang pangalan sa Senatorial Survey

Pasok ang pangalan nina Robin Padilla, Herbert Bautista and Dingdong Dantes sa senatorial survey ng Pulse Asia.

‘Yun nga lang nasa Top 21 sila. Maging si Lucy Torres ay nakapasok.

Kung sabagay umpisa pa lang naman. Meron pa silang chance na magpalakas sa susunod na survey.

Si Robin sinabi na niyang hindi kakandidato pero sina Herbert at Ding­dong, malaki ang posibilidad na makipagrambulan sa election next year.

Pero ang nakakagulat ay ang mataas na position sa survey nina Erwin Tulfo and Lito Lapid. Kasama sila sa Top 10. 

Ang GMA reporter na si Jiggy Manicad ay tinanggap na raw ang alok na mag-senador pero waley siya sa survey.

Show comments