Tulad ng kanyang husband, ang actor-entrepreneur na si Dingdong Dantes, pinasok na rin ng 33-year-old Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagni-negosyo na kanyang sinimulan last year sa pamamagitan ng kanyang flower shop na Flora Vida: Perennial Blooms by Marian.
Last April 18 ay binuksan ni Marian at ng kanyang business partner at kaibigan, ang magazine editor at celebrity stylist na si Pam Quinones ang ikalawang branch ng kanilang fitness center na Saddle Row sa Rockwell.
Pero kahit negosyante na rin si Marian hindi niya pinababayaan ang kanyang role bilang misis ng husband niyang si Dingdong at ina ng kanilang two-year-old daughter na si Zia at bilang actress at TV host.
Honeymoon nina Billy at Coleen madalian lang?!
Si Billy Crawford pa rin kaya ang maghu-host ng Your Face Sounds Familiar Kids 2018 ngayong kakakasal pa lamang nito sa kanyang misis na si Coleen Garcia?
Magtatapos na this coming Saturday and Sunday ang seasonal reality show na Pilipinas Got Talent hosted by Billy and Toni Gonzaga with Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin and Mr. Freddie Garcia as judges.
Identified kay Billy ang Your Face Sounds Familiar kaya malamang na ma-postpone ang kanilang honeymoon ng brand new wife niyang si Coleen o kaya naman ay pwedeng matuloy pero hindi ito magtatagal dahil nga sa nasabing programa.
Doktorang nagpapagaling ng kanser, dinarayo kahit ng mga foreigner
Alam mo, Salve A., kahit anong pilit namin kay Dra. Farrah Agustin-Bunch ng Victoria, Tarlac kung sinu-sinong mga kilalang celebrities (and some of them are know personalties from showbiz) ang kanyang mga naging pasyente including head of the State and royalties, ayaw niya itong i-reveal sa amin dahil gusto niyang mapangalagaan ang privacy ng kanyang patients both here and abroad.
Ang 40-year-old na si Dra. Farrah (as she is popularly known to her patients) ay dinarayo sa kanyang clinic sa Victoria, Tarlac dahil sa kanyang kakaibang treatment ng mga may sakit lalo na ‘yung may sakit na kanser na kanyang napapagaling sa pamamagitan ng natural healing na hindi na kinakailangang sumailalim ng chemotherapy, radiation at surgery.
Si Dr. Farrah ay nagtapos ng medicine sa St. Louis University in Baguio City at isa siyang licensed doctor. Kinumpleto niya ang kanyang internship sa China at sa Scotland at nag-aral din siya ng Holistic Health Practice from Natural Healing College in Los Angeles, California.
Si Dr. Farrah ay anak ng world-famous herbalist, ang yumaong si G. Antonio Agustin na siyang nag-develop ng kauna-unahang natural cancer treatment sa Pilipinas nung taong 2000 at sa tulong ng kanyang anak na si Dr. Farrah ay kanilang dinibelop ang The Dr. Farrah Method.
Ang Dr. Farrah Method ay may kakaibang paraan ng treatment ng kanser na kanyang tinatawag na Intergrative Medicine, isang paraan na kanyang pinagsasama ang conventional medicine with alternative interventions.
Si Dr. Farrah ay hindi lamang Doctor of Medicine kundi isa rin siyang scientist, herbalist at environmentalist at goal niya na gawing medical tourism ang Victoria, Tarlac kung saan siya ngayon nagpapatayo ng Medical Center for Natural Medicine.
Bukod sa mga local patients ng Tarlac at ng mga karatig lugar, si Dr. Farrah ay dinarayo ng kanyang mga patients mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil na rin sa word of mouth na nagmumula sa mga pasyenteng kanyang napagaling at isa na rito ang kanyang American husband na si Jack Bunch na may stage-4 cancer sa lungs na kanyang napagaling.
Hinaharap ni Dr. Farrah ang kanyang more than 500 patients everyday na dumarayo sa kanyang clinic sa Victoria, Tarlac.