^

PSN Showbiz

ABS-CBN isinulong ang media literacy at paglaban sa fake news

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN isinulong ang media literacy at paglaban sa fake news

MANILA, Philippines — Sama-samang binigyang-diin ng beteranong journalists ang kahalagahan ng media literacy sa paglaban sa fake news sa ginanap na Pinoy Media Congress (PMC) ng ABS-CBN noong Marso 5 sa College of the Holy Spirit Manila (CHSM).

Nakilala ng libuo-libong estudyante ang mga batikang personalidad sa industriya na nagbahagi ng kanilang kaalaman para sa mas progresibong pagbabalita.

Tinalakay ng ABS-CBN Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) head na si Rowena Paraan ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip upang maiwasang maging biktima ng fake news. Para naman sa journalist na si Inday Varona, itinuturo na dapat ang journalism simula kindergarten, lalo pa at mas madali nang naga­gamit ng mga bata ang social media.

Nagbahagi rin ng kaalaman ang University of the Philippines professor na si Clarissa David tungkol sa kahalagahan ng media sa pagpuksa ng pekeng balita, at ang ABS-CBN head of futures, standards, and ethics na si Chi Almario-Gonzales na inilahad na mayroong self-regulation systems ang ABS-CBN upang paigtingin ang laban sa fake news.

Ayon naman sa ABS-CBN head for news and current affairs na si Ging Reyes, malaki ang epekto ng social media sa pagbabalita, ngunit hindi ito nakasira sa kalidad ng mga balitang inihahatid ng ABS-CBN.

Samantala, naging bahagi rin ng PMC ang award-winning ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy at ABS-CBN journalist na si Christian Esguerra na parehong nagbahagi ng kaalaman tungkol sa pagbuo ng isang kwentong makakapukaw ng mga tao. Inilahad din ng celebrities na sina Bianca Gonzales-Intal at Bela Padilla ang kanilang karanasan sa media na maaring gamiting ng mga estudyante sa pagpasok nila sa industriya.

Sa ika-12 na taon nito, tinalakay ng PMC ang kahalagahan ng media sa panahon ng digital at social media at kung paano ito makatutulong sa pagbabago ng mga mamamayan. Sa ilalim ng pagtutulungan ng ABS-CBN at Philippine Association  m ga batikang personalidad sa media.

Migo at Jia malapit nang ma-reset ang love story

May chance pa ba ang love story nina Migo at Jia lalo pa’t nalaman na ni Migo ang pagpapanggap ni Jia bilang isang robot?

Pakatutukan sa last week ng Koreanovelang nagpapa-good vibes sa hapon ninyo, ang I am Not a Robot.

Naikubli man ni Jia noong una siyang makita ni Migo bilang normal na tao, lumabas pa rin ang katotohanan ng makita ng binata na suot niya ang kwintas na binigay niya kay Aji 3.

Labis na masasaktan si Migo at muling aatakihin ng kanyang sakit dala ng nasirang tiwala.

Paano susuyuin ni Jia si Migo? Mapatawad pa kaya siya nito? Mas pipiliin bang lumaban ni Jia o magpaparaya na lang para sa ikabubuti ng kalagayan ni Migo?

Huwag palalampasin ang huling linggo ng I am Not a Robot, pagkatapos ng Hanggang Saan sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.

ABS-CBN

PINOY MEDIA CONGRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with