Joshua Garcia ginawaran ng 'Youth Character Model of the Year' award
MANILA, Philippines — Sa kabila ng kontrobersyang kinaharap tungkol sa hindi pagkakasunduan ng kaniyang girlfriend na si Julia Barreto, ginawaran si Kapamilya actor Joshua Garcia ng Youth Character Model of the Year ng Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia.
Bukod kay Garcia, kinilala rin ang iba pang ABS-CBN talents na sina Maja Salvador (best actress), Aiko Melendez (best supporting actress) at RK Bagatsing (best supporting actor) para sa kanilang soap opera na “Wildflower.”
Binigyan si Tirso Cruz ng Trinitian Media Practitioner for Television award at special citation for Trinitian Media Personality for 2018 naman si Joseph Marco.
BASAHIN: Joshua, pinagsisihan at iniyakan ang pakikipag-flirt sa ibang babae!
Best Actor naman si Coco Martin para sa kaniyang “FPJ’s Ang Probinsyano,” habang best drama anthology ang “Maalaala Mo Kaya” at best celebrity talk show ang “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda na kinilala naman bilang best celebrity talk show host.
Waging-wagi ang Kapamilya network na nasungkit ang ikaapat na sunod na Best TV Station award.
Mangiyak-ngiyak si Joshua nang makapanayam ni Boy Abunda tungkol sa napabalitang paghihiwalay nila ni Julia dahil sa isang direct message sa instagram.
“Nagkaroon lang kami ng mga misunderstanding pero hindi ho kami nag-break. Kung ano kami no’n, gano’n pa rin kami,” sabi ni Joshua.
"Yes Tito Boy, naayos. Hindi lang naging madali pero kaya naman. Sobrang okay namin ngayon. Siguro masasabi ko lang ngayon, masaya ako na nangyari ‘yon. Kasi may mga natutunan ako na ingatan ko ang ginagalawan kong mundo. Kasi hindi siya para sa lahat sabihin. Like for example, may gusto lang akong i-compliment, hindi ko naman flinirt. Kung flinirt ko kasi siya, I would say, ‘Hi, Hello!’ pero hindi. And siyempre nagsisi rin ako Tito Boy na ginawa ko ‘yon kasi nagalit ‘yung mahal ko sa buhay. Yes, sinabi ko sa kanya na siyempre I apologized for what happened and sinabi ko na challenge lang ‘to kaya natin ‘tong malampasan,” patuloy niya.
- Latest