Kapuso Hunks lagas-lagas na!

Jake, Aljur, Derrick at Rocco

Matagal nang pinaplano ang konsyerto na gagawin ng mga Kapuso actors sa Music Museum sa May 18 pero, hanggang ngayon wala pa ring permanenteng listahan ang mga magpe-perform. Nagsimula ito kina Rocco Nacino, Derrick Monasterio, Aljur Abrenica at Jake Vargas.

Common knowledge na hindi na aapir si Aljur dahil Kapamilya na siya. Umatras na rin si Jake sa hindi malamang kadahilanan. Ang huling balita ay pinalitan na siya ni Dave Bornea. Makakasama rin si Jak Roberto na pinalitan si Aljur na first time sanang mamamalas ng publiko ang musical talents sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Sana ay ganitong talento rin ang makikita kay Jak at hindi lamang ang kanyang mga abs na marahil ay idi-display niya sa kanyang pagsasayaw o baka kakanta rin siya.

Dave will take charge of the dancing parts habang ipagyayabang naman ni Derrick ang pagkanta niya. Dapat ay pag-usapan na nila kung pakakantahin sina Rocco at Jak. Malapit na ang concert at hanggang ngayon naghahada pa rin sila.

PGT inuulan ng reklamo

Maraming complaint ang naririnig sa mga nakapanood ng semis ng Pilipinas Got Talent dahil sa hindi pagpasok ng yoyo contestant sa grand finals. Saan man anggulo tingnan, mula sa paglalaro ng yoyo hanggang sa production values, mas magaling ito kesa sa pinaboran ng text votes.

Walang choice, ‘yun ang pulso ng manonood na mostly ang gusto ay hindi ‘yung pinakamagaling kung hindi ‘yung pinakanakakaaliw.

Magiging mahigpit na magkalaban sa finals yung dancing couple at ‘yung single mom pero, baka hindi ma­aliw sa kanila ang manonood at sa iba ibigay ang kanilang mga boto.

Kristine hindi nagbago ang hitsura

Sana hindi lang sa Bagani mapa­nood ang nagbabalik sa kanyang pag­aartista na si Kristine Hermosa. Na-maintain ng asawa ni Oyo Sotto ang kanyang beauty sa kabila ng maraming taon ng pagiging asawa at ina ng kanyang tahanan. Hindi pa rin naman kumukupas ang galing ng akting niya. Sasandali pa lamang siya sa serye ng Kapamilya kaya hindi pa ito luma­labas at makikita.

Kanegahan ni Nora bumebenta!

Bakit ang daling maniwala ng puliko kapag kasiraan ng isang Nora Aunor ang nakataya? Ganun na ba kasama at ka-unpro ang imahe nito kung kaya kahit may ipinaglalaban itong katapatan sa trabaho ay ayaw nila itong kampihan?

Nagsalita na ang direktor nito sa serye niyang Extraordinary Love na si Gina Alajar in defense of her star. Nilinaw nito ang diuma­no ay walk out ng Superstar sa kanyang set. Bagaman at hindi niya itinanggi ang pag-alis nito, sinabi niyang dahilan ito sa pagsira ng produksyon sa hiniling nitong cut off na 10PM. Sinabi niyang gagawan niya ito ng paraan para hindi na ito maulit.

Show comments