Kapamilya Artist humakot sa Platinum Stallion Media Awards

Maja

MANILA, Philippines — Tinanghal ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa ika-apat na pagkakataon sa Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia at umani ng 23 pang mga tropeo dito.

Nagwaging Best Primetime TV series ang Wildflower habang ang mga bida nito na si Maja Salvador ay nanalong Best Actress. Best Supporting Actress naman si Aiko Melendez at Best Suppor­ting Actor si RK Bagatsing.

Pinarangalan si Tirso Cruz III bilang Trinitian Media Practitioner for Television, at si Joseph Marco ay ginawaran ng special citation bilang Trinitian Media Personality for 2018.

Panalo rin si Coco Martin bilang Best Actor para sa FPJ’s Ang Probinsyano, habang ang Ma­alaala Mo Kaya” ang panalong best drama anthology.

Best Celebrity Talk Show ang Gandang Gabi Vice, habang ang host naman nito na si Vice Ganda ang Best Celebrity Talk Show host. Panalo rin ang I Can See Your Voice bilang best game show, habang ang host nito na si Luis Man­zano ang best game show host. Ang It’s Showtime ang itinuring na best variety show at ang host nito na si Anne Curtis ang nanalong Best TV Host.

Ang mga bida ng La Luna Sangre na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nanalong Best Male TV personality at Best Female TV personality.

Sa kategoryang pampelikula, panalo si Piolo Pascual bilang Best Actor at si Toni Gonzaga bilang Best Actress para sa kanilang pagganap sa Last Night ng Star Cinema.

Sa AM Radio, pinarangalang best AM radio program ang Failon Ngayon ng DZMM Radyo Patrol 630.

Ilan rin sa mga batang personalidad ng ABS-CBN ang nanalo ng Trinitian Special Awards. Si Joshua Garcia ang itinuring na youth character model of the year, habang si Inigo Pascual naman ang music outbreak artist of the year. Si Hashtag Paulo Angeles ng It’s Showtime ang nanalo bilang Trinitian media practitioner of the year, at ang host-comedian na si Alex Gonzaga ang female YouTuber of the year.

Show comments