Alam mo, Salve A., kung ratio ng transfer ng mga artista mula ABS-CBN to GMA and GMA to ABS-CBN, mas marami ang transferees from GMA to ABS-CBN at ang pinakabago sa kanila ay ang dating Kapuso talent na si Ryza Cenon na lumagda ng network contract with ABS-CBN kasama ang kanyang bagong management outfit, ang Viva Artists Agency (VAA).
Sa loob ng 14 taon ay naging Kapuso artist si Ryza na magmula nung tanghalin siyang Ultimate Female Survivor sa ikalawang season ng reality artista search ang Starstruck in 2004 kung saan ang actor na si Mike Tan ang tinanghal na Ultimate Male Survivor. Sina Ryza at Mike ay parehong naging contract talents ng GMA Artists Center, ang management arm ng Kapuso Network.
Nang mag-expire ang management contract ni Ryza sa GMAAC nung isang taon ay lumipat siya sa pamamahala ng Viva Artists Agency at ang Viva Films ang nagbigay sa kanya ng kanyang first lead role in a movie sa pamamagitan ng Mr. & Mrs. Cruz na pinagtambalan nila ni JC Santos. Ang nasabing pelikula ang nagbigay kay Ryza ng kanyang first international award bilang Best Performer (Yakushi Pearl Award) mula sa Osaka Pearl Film Festival early this year. Tinanghal ding Best Supporting Actress si Ryza ng 7th OFW Gawad Parangal dahil sa magandang portrayal sa nagtapos na Ika-6 na Utos na pinagsamahan nila nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.
In 2006, si Ryza ang tinanghal na New Movie Actress of the Year ng Star Awards ng PMPC for Lovestruck.
Kahit kapipirma pa lamang ni Ryza ng kontrata sa ABS-CBN ay meron kaagad itong project, her first TV series for Kapamilya Network, ang The General’s Daughter na pagsasamahan nila nina Angel Locsin, Maricel Soriano Janice de Belen at Eula Valdez, isang casting coup na maituturing na proyekto ng Dreamscape Entertainment na pinamamahalaan ni Deo Endrinal.
Bago umalis ng GMA ay personal umano siyang nagpaalam sa mga executives ng nasabing istasyon.
Habang tinatanaw niyang malaking utang na loob ang malaking break na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network, looking forward naman si Ryza na makatrabaho ang mga Kapamilya talents.
Nobyo ni Ryza ang actor na si Cholo Barretto, pinsan ni Julia Barretto at pamangkin ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.
Sofia parang-foreigner ang tunog
Naging successful ang formal media launch bilang recording artist ng Viva Records at ng kanyang second single under the record label na pinamagatang Thinkin’ of U ng 18-year-old daughter ng mag-asawang Alfred and Cristina ‘Kring-Kring’ Romualdez na si Sofia Romualdez. Ang grand launch ay ginanap sa ballroom ng Manila Polo Club sa McKinley, Forbes Park, Makati City last Thursday (April 12) evening. Si Sofia mismo ang nag-compose ng Thinkin’ of U.
Kahit kinakabahan, Sofia mounted her performance beautifully at namangha ang mga dumalong media and bloggers dahil sa kanyang foreign-sounding and soothing voice na distinct sa ibang singers her age.
At a young age ay marunong nang maggitara at mag-piano si Sofia at nagsimula siyang mag-compose when she was 15.
Natutuwa si Sofia sa pagiging supportive ng kanyang parents sa kanyang pinasok na career.
Samantala, dumating sa launch ni Sofia ang Concert Queen na si Pops Fernandez, Almira Muhlach and her beautiful daughter na si Yssa, Lloyd Umali, Joey Bautista ng Mulatto Band, Bret Jackson, ang ilang executives ng Viva Records, ang Viva marketing and production group para bigyan siya ng moral support.
Samantala, naibalita sa amin ni Almira Muhlach na wala na pala sa poder ng Viva Artists Agency ang anak niyang si Yssa Alvarez dahil ito’y nasa pangangalaga na ni Arnold Vegafria.
Tulad ng mga TV networks, hindi rin maiiwasan ang rigodon ng mga talents na hawak ng iba’t ibang talent management companies at maging ng mga individual talent managers.