Marvin huhusgahan kung may future sa directing

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado (April 14) tunghayan sa Magpakailanman ang nakakakilig na love story ng Vlogger na si Wil Dasovich at ng Filipina Cosplayer na si Alodia Gosiengfiao. Magkaiba man ang kanilang mundo ngunit pinagtagpo pa rin sila nang kapalaran.

Ang episode na pinamagatang Love Conquers All ay pinangungunahan nina Tom Rodriguez bilang Wil Dasovich at Janine Gutierrez bilang Alodia Gosiengfiao.

Itinatampok din sina Jenine Desiderio, Mi­guel Faustmann, Arianne Bautista, Rob Moya at Sofia Pablo.

Si Wil ay laking Amerika na nagpunta sa Pilipinas para simulan ang kanyang pangarap na maging isang vlogger. Natuto siyang mag-Tagalog, naging isang model at artista rin at unti-unti ring dumami ang followers niya sa kanyang vlog. Si Alodia naman ay isang famous cosplayer na noong umpisa ay mahiyain subalit kahit sa murang edad na 15 years old ay sumali na siya sa mga cosplay competitions at dito na siya nakilala hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.

Nagtagpo ang landas nina Alodia at Wil sa isang awarding cere­mony sa Malaysia. Doon nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan. Hindi man nila inaamin sa kanilang followers ang kanilang relasyon noong una pero makikita sa kanila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Hanggang sa na-diagnose si Wil ng Stage 3 Colon Cancer, kaya’t dito nasubok ang tatag ng kanilang pagmamahalan. Kahit nga malayo si Wil para magpagamot sa Amerika ay lagi namang pumupunta si Alodia para alagaan siya.

Mula sa direksyon ni Marvin Agustin, huwag palampasin ang love story nina Wil at Alodia sa Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

Show comments