Ryza certified Kapamilya na!

So natuloy na kahapon ang contract signing ni Ryza Cenon sa ABS-CBN.

Kasabay niya na pumirma ng kontrata ang ibang Viva Artists Agency stars na sina Anne Curtis at Yam Concepcion.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Ryza sa GMA Network Inc. Matagal na naging Kapuso star si Ryza kaya sure na maninibago siya sa bagong environment at home network niya.

Nang lumipat si Ryza sa Viva Artists Agency noong nakaraang taon, expected na ang pag-alis niya sa GMA 7 kapag natapos ang Ika-6 Na Utos.

Kahit ayaw ni Ryza na mag-babu sa Kapuso Network, ang talent management agency na namamahala sa showbiz career niya ang masusunod.

Hindi pa sinasabi ng VAA ang unang television assignment ni Ryza sa ABS-CBN pero may mga humuhula na baka mapanood siya sa teleserye ni Coco Martin, ang Ang Probinsyano dahil dito rin lumabas sina Yam, Yassi Pressman at Louise delos Reyes na mga contract star ng talent management agency ng Viva.

Maraming magazine ng Summit isasara na!

Nakaka-sad naman ang balita na hanggang May 2018 na lang ang YES!, ang entertainment magazine ng Summitmedia na nagsimula noong 2000.

Affected ng digital age ang YES! kaya kasama ito sa print editions ng mga magazine ng Summitmedia na isasara, ang FHM, Cosmopolitan Philippines, Preview, Top Gear at Town and Country.

I’m sure, hindi alam ng iba, lalo na ang mga bagets na acronym ang YES ng Your Entertainment Magazine.

Tandang-tanda ko pa noong inuumpisahan ng editor-in-chief na si Jo-anne Maglipon ang YES! dahil zmadalas sila na mag-meeting ni Douglas Quijano na consultant ng magazine.

Isa ang YES! sa mga successful entertainment magazine kaya nakakalungkot ang balita na mawawala na ang print edition na naghatid sa fans ng mga exclusive showbiz story etc.

Hanggang ngayon, hawak ni Willie Revillame ang record bilang celebrity cover ng YES! issue na may pinakamataas na benta.

Nang ma-feature si Willie sa cover ng YES! noong January 2009, two hundred thousand copies (200,000) ang nabenta kaya idineklara ito na best –selling issue ng magazine. Tumanggap si Willie ng plaque of appreciation sa 15th anniversary ng YES! bilang pagkilala sa achievement niya.

At dahil magiging kasaysayan na lang ang print edition ng YES!, maituturing ito na collector’s item kaya dapat itago at ingatan ang inyong mga lumang kopya.

Dapat tularan ng mga artista.

Mariah umaming bipolar

Hindi shocking ang pag-amin ni Mariah Carey na may bipolar disorder siya dahil marami sa Pinoy stars ang bipolar pero inililihim nila.

Madali naman malaman kung sino sa mga artista ang bipolar. Kung sino ang maraming emote sa buhay, hindi nagtatagal ang mga relasyon, hindi nakakasundo ang mga katrabaho at ang sariling pamilya, sure na may bipolar disorder pero afraid na umamin dahil in denial sila.

Ang feeling nila, normal pa rin ang kanilang mga behavior at ang mga tao sa paligid nila ang may diprensya.

Wish ko lang, gayahin nila si Mariah na nagkaroon ng lakas ng loob na aminin ang katotohanan para lalong maintindihan ng publiko ang inaasal niya. Matinding pang-unawa at professional help ang kailangan ng mga tao na bipolar na isang klase ng mental health condition.

Show comments